OFW party-list namahagi ng maagang Pamasko

Si OFW party-list Rep. Marissa Del Mar Magsino kasama ang ilang OFW na tumanggap ng maagang Pamasko.(FB photo of OFW party-list)

NI NOEL ABUEL

Muling namahagi ng maagang Pamasko ang OFW party-list sa mga pamilya ng overseas Filipino workers na nasa Metro Manila.

Pinangunahan ni OFW party-list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga OFWs gayundin sa kanilang pamilya sa Ayala Mall sa Paranaque City.

Ito ang ikalawang pagkakataon na ginawa ni Magsino ang pamamahagi ng tulong pinansyal kung saan masayang-masaya ang mga dumalo.

“This is the second batch of the program in the national capital region this Christmas season. As part of the program’s expansion, the OFW Party List will also coordinate with DSWD’s regional offices to help bring the program to distressed OFWs and family members of OFWs in the provinces,” ayon kay Magsino.

Ayon sa kongresista, isusunod nitong pupuntahan ang iba’t ibang probinsya para hatiran ng tulong ang mga umuwing OFWs.

Idinagdag pa ng mambabatas na sisikapin nitong abutin ang iba pang OFWs na napilitang umuwi dahil sa mapait na kasanarasan sa kanilang employers

“Saan man kayo sa Pilipinas, ipaabot ng OFW party-list, kasama ng DSWD, ang aming malasakit at kalinga sa inyo at inyong mga pamilya!,” pagtitiyak pa ni Magsino.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s