13 priority measures ni PBBM ipinasa ng Kamara

Speaker Ferdinand Martin Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Naipasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang 13 priority measures ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na kabilang sa Common Legislative Agenda ng Legislative-Executive Advisory Council (LEDAC) upang matiyak ang mas mayos na serbisyo publiko para sa mga Pilipino at mapabilis ang paglago ng ekonomiya ng bansa.

Ang 13 panukala na ipinasa ng Kamara sa sesyon ay kasama sa 15 kabuuang bilang ng priority measures na inaprubahan simula nang magbalik ang sesyon noong Nobyembre 7.

Matatandaang bago ang pagpapatuloy ng sesyon noong nakaraang buwan, siniguro ni Speaker Martin G. Romualdez na hindi natitinag ang pangako ng Kamara na mabilis na kikilos para maipasa ang panukalang P5.26-trillion 2023 national budget pambansang badyet para sa 2023 at ang mga prayoridad sa ilalim ng CLA LEDAC.

Noong nakaraang linggo, parehong niratipikahan ng Kamara at Senado ang ulat ng bicameral conference committee sa 2023 national budget, na inaasahang lalagdaan ni Pangulong Marcos sa kanyang pagbabalik ngayong linggo mula sa kanyang paglalakbay sa Belgium para dumalo sa EU-ASEAN Commemorative Summit.

“We will continue working on the passage of other LEDAC-priority bills,” sabi ni Speaker Romualdez.

“We are on the first stage to full economic recovery, and we are marching on the right direction. Judging from interests shown by
global businessmen in our international roadshow with the President, the Philippines may soon become the favorite investment destination in Asia. We, in Congress, are committed to bring this goal to reality.
Stay the course with us, and share the benefits of progress and development. The best is yet to come,” dagdag nito.

Kabilang sa inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa sa sesyon noong Lunes ang mga sumusunod na hakbang: National Disease Prevention Management Authority o Center for Disease Control and Prevention Medical Reserve Corps (PUSO), Agrarian Reform Debts Condonation, Philippine Passport Act, at Internet Transaction Act / E-Commerce Law.

Inaprubahan din ng Kamara ang Waste-to-Energy Bill, Free Legal Assistance for Police and Soldiers, Apprenticeship Act, Public–Private Partnership (PPP) Act, Magna Carta of Barangay Health Workers, Valuation Reform Bill (Package 3), Eastern Visayas Development
Authority (EVDA), at ang Leyte Ecological Industrial Zone.

Noong nakaraang linggo, inaprubahan ng Kongreso ang dalawang kasama sa CLA ng LEDAC, kabilang ang Virology Institute of the Philippines, at ang Passive Income and Financial Intermediary Taxation Act (PIFITA), na kasama sa apat na package sa ilalim ng Comprehensive Tax Reform Program
(CTRP).

Bukod sa pagpasa ng mga hakbang na ito, inaprubahan din ng Kamara sa ikalawang pagbasa noong Lunes ng gabi ang Government Financial Institutions Unified Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recovery (GUIDE) bill, isa pang panukala sa ilalim ng CLA.

Ang dalawang iba pang panukalang batas sa CLA na pinagtibay ng LEDAC ay ang SIM Registration Act at ang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan elections na nilagdaan na ni Pangulong Marcos bilang batas.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s