Maharlika Investment Fund suportado ng mas maraming kongresista — Speaker Romualdez

Ni NOEL ABUEL

Ipinasasakamay na ni Speaker Martin G.
Romualdez kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kung sesertipikahan bilang urgent ang Maharlika Investment Fund (MIF).

Ayon kay Romualdez, napakaraming multi-partisan ang nagpahayag ng suporta para sa MIF bill sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Sa isang kalatas, binanggit ni Romualdezvna sa kabila ng mga paunang alalahanin sa iminungkahing panukala ay mas maraming mambabatas ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na mapabilang sa mga co-authors ng panukala.

“The Majority Floor Leader (Manuel Jose Dalipe) told me that we had over 220 [co-authors] and I think by the time I get back baka umabot na ng 250. So there will be over two-thirds of the House who will be co-authoring because there have been exhaustive briefings,” ani Romualdez, na kasama ni Pangulong Marcos sa Brussels, Belgium para sa ASEAN-EU Commemorative Summit.

Aniya, sa pinakahuling bilang, umakyat na sa 246 na kongresista ang nagpahayag ng kahandaang maging co-authors ng House Bill No. 6608 o ang MIF.

Bago pa man ang pagbubukas ng deliberasyon sa plenaryo sa panukala noong nakaraang Lunes, ilang lider ng partido ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa pagpasa ng panukalang batas kasunod ng mga pag-amyenda na nagtanggal sa Social Security System (SSS) at Government Service and Insurance System (GSIS) bilang pangunahing mapagkukunan ng seed money para simulan ang MIF.

Sa isang pambihirang hakbang, kahit na si House Senior Deputy Minority Leader at Samar Rep. Paul Daza na naunang nagpahayag ng pagkabahala laban sa panukala, ay pinuri noong Lunes ang mga nagsusulong ng panukalang batas na pinangunahan ni Speaker Romualdez para sa pagpapakilala ng mga naturang pagbabago.

Sa kabila ng pagkakaroon ng malaking numero sa Kamara para ipasa ang MIF, sinabi ni Romualdez na nasa Pangulo pa rin kung nais nitong sertipikahan ang panukalang batas upang maaprubahan ito sa ikatlo at huling pagbasa bago mag-adjourn ang Kamara para sa Christmas break nito.

Sinabi ni Romualdez na kung masesertipikahan ng Pangulong Marcos ang nasabing panukala ay gagamitin ng Kamara ang three-day rule kung saan base sa Konstitusyon, anumang panukala na hindi maipapasa bilang bagong batas sa ikatlong pagbasa sa magkahiwalay na araw.

At kung sesertipikahan bilang urgent, ipapasa ng Kamara ang MIF sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa isang araw.

Binigyan-diin ng Romualdez na ang buong layunin ng pag-set up ng isang sovereign wealth fund ay upang magbigay ng kapital at daan na maaaring magdala ng karagdagang pag-unlad at benepisyo sa mga tao.

“And as they say, especially when it comes to capital investment size, does matter, you need scale to participate in large projects, whether infrastructure, power even in the agricultural sector, you need, massive, capital,” ayon pa kay Romualdez.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s