
Ni MJ SULLIVAN
Niyanig ng lindol ang lalawigan ng Ilocos Norte ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-4:42 ngayong hapon nang maitala ang magnitude 3.4 na lindol na Ang sentro ay nasa 009 km hilagang kanluran ng bayan ng Burgos, Ilocos Norte.
May lalim itong 012 km at tectonic ang origin.
Naitala sa instrumental intensity ang intensity III sa Pasuquin, Ilocos Norte; Intensity II sa Laoag City, Ilocos Norte at Intensity I sa Batac, Ilocos Norte; Claveria, Cagayan.
Wala namang inaasahang afterschocks sa mga susunod na araw at wala ring naiulat na nasirang mga ari-arian dahil sa lindol.