NCSTP pasado na sa Kamara

Ni NOEL ABUEL

Inaprubahan na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang nagtatatag ng mandatory two-year National Citizens Service Training Program (NCSTP) sa lahat ng mga mag-aaral sa higher education institutions (HEIs).

Sa botong 276 na pabor, apat ang tutol at isa ang hindi bumoto, inaprubahan ng Kamara ang House Bill (HB) No. 6687, o An Act Instituting a National Citizens Service Training Program in All Public and Private Tertiary Education Institutions, Repealing for the Purpose Republic Act 9163, o mas kilalang National Service Training Program Act, at Appropriating Funds Therefor.

Tulad naman ng inaasahan, mariing tinutulan ng mga militanteng mambabatas ang NCSTP at nina Albay Rep. Edcel Lagman, at Basilan Rep. Mujiv Hataman

Mas madali at pinaikli ang nasabing panukala na National Citizens Service Training Program Act, na layon na palakasin ang reserbang puwersa ng mga mamamayan ng bansa.

Nabatid na 28 magkakahalintulad na panukala ang inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa muling pagkabuhay ng mga citizens cadet sa pagsasanay para sa mga mag-aaral sa tertiary education institutions.

Pinasalamatan naman ni Speaker Martin G. Romualdez, isa sa principal authors ng HB No. 6486, ang mga kapwa nito kongresista sa mahigpit na deliberasyon ng panukala na sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand
“Bongbong” Marcos Jr.

“The House of Representatives has been working really hard – day in and day out – to pass many important pieces of legislation that we all believe will contribute immensely to nation-building. And the NCSTP bill is one of them,” ani Romualdez.

“I congratulate all my colleagues in the lower chamber, even the ones who expressed opposition to the measure, for the resulting bill is one that has undergone rigorous scrutiny. And for that, we accomplish our role here in the Legislature with flying colors,” dagdag nito.

Ang HB 6687 ay nananawagan para sa pagtatatag ng dalawang taong NCSTP na magiging mandatory para sa lahat ng mga mag-aaral na naka-enroll sa undergraduate degree programs sa lahat ng pampubliko at pribadong HEI, kabilang ang mga naka-enroll sa technical-vocational education and training (TVET) na mga programa o kurso ng TESDA.

Kabilang sa isa sa mga layunin ng panukalang batas ay pahusayin ang kapasidad ng mga mamamayan na pakilusin at gampanan ang kanilang tungkulin sa Konstitusyon na magbigay ng personal na military o civil service sa panahon ng kalamidad at paghihimagsik, pagsalakay o digmaan.

“The NCST shall be administered to cover undergraduate and postsecondary TVET students for at least four (4) semesters or two hundred forty (240) hours over two (2) school years, unless otherwise allowed by the CHED or TESDA …,“ ayon sa panukala.

Ang mga ahensyang naatasang magpatupad ng NCSTP ay ang Commission on Higher Education (CHED) at TESDA, sa pakikipagtulungan sa Department of National Defense (DND).

Sa sandaling makumpleto ang NCSTP, ang mga “citizen-cadets” ay ituturing na NCST graduates at isasama sa National Service Reserve Corps (NSRC) na gagawin sa ilalim ng panukala at AFP Reserve Force.

“It (NSRC) shall be civilian in nature and shall be a source for volunteers and conscripts in times of national or local necessity, calamities, emergencies, disasters, or armed conflict to perform non-combat and non-military duties and services as the President or the appropriate local sanggunian may deem necessary,” ayon pa sa panukala.

Ang NSRC ay sasailalim sa kontrol at pagbabantay ng Office of
Civil Defense ng NDRRMC.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s