Year-end bonus sa senior citizens isinulong sa Kamara

Rep. PM Vargas

Ni NOEL ABUEL

Isang linggo bago ang Pasko, naghain si House Committee on Social Services Vice Chairperson at Quezon City 5th District Representative PM Vargas ng panukalang batas na naglalayong magbigay ng karagdagang year-end bonus para sa mga mahihirap na senior citizen.

Sa House Bill 6693, o ang “Paskong Maligaya para kay Lolo’t Lola Bill”, layon nito na magbigay ng karagdagang year-end bonus sa mga mahihirap na matatanda na kwalipikado sa ilalim ng Expanded Senior Citizens Act at ang bagong batas na Republic Act No. 11916 o ang Expanded Social Pension for Indigent Senior Citizens Act.

Sa ilalim ng panukalang batas, ang mga matatandang pensiyonado ay tatanggap ng karagdagang Php1,000 bukod sa kanilang buwanang Php1,000 na allowance sa ilalim ng programang Social Pension for Indigent Seniors, na babayaran bago ang ika-25 ng Disyembre bawat taon.

“Our senior citizens have contributed so much to our country and most have remained capable of supporting their families and grandchildren. This holiday season, let us grant the wish of our lolos and lolas to be granted more benefits albeit through a year-end or Christmas bonus,” sabi ni Vargas.

Sa pamamagitan ng HB 6693, sinabi ni Vargas na ipinagpapatuloy nito ang pamana at adbokasiya ng kanyang kapatid at na si dating Quezon City Rep. Alfred Vargas, na isa sa mga pangunahing may-akda ng Expanded Social Pension para sa Indigent Senior Citizens Act.

“Institutionalizing year-end bonuses for our indigent Filipino elderly is a way of providing better social safety nets and protection for our senior citizens and their families. In the spirit of giving, we must extend help especially to our lolos and lolas who need it now more than ever,” sabi pa ng kongresista.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s