3 flood control projects sa Nueva Ecija natapos na ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang tatlong flood mitigation projects sa Talavera at Pampanga Rivers sa lalawigan ng Nueva Ecija.

Sa ulat na tinanggap ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, kay DPWH Regional Office 3 Director Roseller A. Tolentino, tinapos ng DPWH Nueva Ecija First at Second District Engineering Offices (DEOs) ang pagtatayo ng 1.03 kilometrong flood control structures sa mga bayan ng Talavera at San Fernando.

Nakumpleto ng DPWH Nueva Ecija First DEO sa bahagi ng Talavera River na dumadaloy sa bayan ng Talavera ay ang 183-meter flood control structure sa Barangay Gomez at ang 322-meter flood protective structure sa Barangay Sta. Barbara.

Kasama sa mga proyekto ang pagtatayo ng flood control na gawa sa kongkretong slope at steel sheet piles upang dagdagan ang suporta sa mga pader ng ilog na dating itinayo sa lugar at magbigay ng mas mahusay na proteksyon para sa mga residente laban sa banta ng pagbaha sa panahon ng malakas na pag-ulan.

Ayon kay DPWH Nueva Ecija First District Engineer Armando Z. Manabat, ang natapos na flood control project sa Barangay Sta. Barbara ang pagbibigay ng mga spur dike para sa karagdagang proteksyon laban sa malakas na agos at upang maiwasan ang pagguho ng lupa sa ilog.

Samantala, iniulat ni DPWH Nueva Ecija Second District Engineer Elpidio Y. Trinidad ang pagkumpleto sa 520-meter flood control structure sa kahabaan ng Pampanga River sa Barangay San Anton sa bayan ng San Leonardo.

Sinabi ni Trinidad na ang Barangay San Anton Flood Control structure ay inaasahang makadaragdag sa discharge capacity ng ilog na makakapagbigay ng tulong upang maiwasan ang pagbaha dahil sa malakas na pag-ulan.

Sa pondo ng nasabing mga proyekto ay nagmula sa General Appropriations Act (GAA) ng 2022, kung saan ang mga flood control structures sa tabi ng Talavera River sa bayan ng Llanera ay nagkakahalaga ng kabuuang P98 milyon para makumpleto habang ang P73.43 milyon na inilaan para maisakatuparan ang flood control structure sa kahabaan ng Pampanga River sa bayan ng San Leonardo.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s