
Ni MJ SULLIVAN
Niyanig ng magnitude 3.7 na paglindol ang probinsya ng Davao del Sur, kahapon ng gabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong alas-8:21 ng gabi nang maramdaman ang lindol.
Natukoy ang sentro ng lindol sa layong 011 km timog kanluran ng Magsaysay, Davao Del Sur at may lalim na 006 km at tectonic ang origin.
Naitala sa instrumental intensity ang intensity 1 sa Kidapawan City, Cotabato.
Wala namang naitalang epekto ang nasabing lindol at wala ring inaasahan ang Phivolcs na magkakaroon ng aftershocks.