Sen. Go tumanggap ng Golden Globe Annual Awards for Business Excellence and Outstanding Filipino Achievers

Ni NOEL ABUEL

Pinarangalan si Senator Christopher “Bong’ Go sa kanyang namumukod-tanging at makabuluhang tagumpay sa serbisyo publiko sa Golden Globe Annual Awards for Business Excellence and Outstanding Filipino Achievers sa Manila Hotel noong Biyernes, Disyembre 16.

Sa kanyang pahayag, pinasalamatan ng senador ang parangal kasabay ng pagsasabing binigyan lamang ito ng pagkakataon ng taumbayan para makapaglingkod.

“Kami po’y mga probinsyano lamang na mga taga-Davao, taga-Mindanao, na binigyan ng Panginoon at ninyo ng pagkakataon na makapagserbisyo po sa inyo. Hindi po kayo ang dapat magpasalamat sa amin. Kami po ang dapat magpasalamat sa inyo dahil binigyan n’yo po kami ng pagkakataon na magkapagserbisyo po sa inyong lahat. Hindi ko po ito sasayangin ang pagkakataong ibinigay ninyo sa akin, sa tiwalang ibinigay ninyo sa akin,” ani Go.

“Your faith in my abilities has pushed me to be the best version of myself. I am truly grateful for this award. However, with or without it, we continue to work and serve our people. Importante po, patuloy kaming magtatrabaho, mabigyan man ng parangal o hindi,” dagdag nito.

Nabatid na ang Golden Globe Annual Awards for Business Excellence at Filipino Achiever ay isang prestihiyosong award-giving body na nagbibigay ng mga parangal sa iba’t ibang personalidad, pulitiko, entertainer at indibidwal na may mahalagang bahagi sa lipunan.

Samantala, kinilala rin ng senador ang mga kontribusyon at pagsisikap ng kanyang mga kapwa awardees, na binibigyan-diin kung paanong ang kanilang hindi natitinag na dedikasyon at pangako sa paglilingkod sa bayan ay lubos na nagpaangat sa buhay ng maraming Pilipino.

“I would also like to extend my congratulations to my fellow awardees. Sa lahat po ng mga awardees na nandirito, congratulations po sa inyong lahat. Palakpakan natin ang ating mga awardees. It is an honor to be recognized alongside such dedicated and hardworking individuals,” ayon kay Go.

“I am inspired by your commitment to serve your communities and make a positive impact in our beloved country. Your dedication to improving the lives of others is truly admirable, and I am grateful to have the opportunity to share this moment with you,” pahayag pa nito.

Sa huli, tiniyak din ni Go na ipagpapatuloy ng gobyerno ang walang hadlang na serbisyo nito sa mamamayang Pilipino upang matiyak na walang maiiwan tungo sa pagbangon.

“Ang wish ko lang po para sa lahat ay magkaroon ng happy and healthy new year, at makabalik na ho tayo sa ating normal na pamumuhay katulad noon. Magtulungan lang po tayo. Sino ba namang magtutulungan kung hindi tayo lang po kapwa nating mga Pilipino. Malalagpasan rin po natin itong mga krisis na ating kinakaharap by helping each other,” ayon pa dito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s