

Ni NOEL ABUEL
Dalawang masuwerteng indibiduwal ang maagang binigyan ng regalo ngayong Pasko ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., makaraang bigyan ng bagong kotse sa ‘Amazing Pamasko Ni Pogi’ ng senador.
Samantala, mangiyak-ngiyak din si Cynthia Bernardino Gregorio, ng 180 Infanta St., Anilao, Malolos, Bulacan nang personal na ihatid ni Revilla ang isang pang kulay pulang brand new car sa masuwerteng napili nakaraang araw ng Linggo.
Si Gregorio ang pang-apat na nabiyayaan ng ipinamamahaging kotse Revilla.
Bukod sa dalawang kotse na unang ipinamahagi ni Revilla ay mayroon na namang karagdagang dalawa pa, limang motorsiklo at daan-daang libong cash ang naipamigay at may isa pang napakasuwerte mula sa sa Tabayon, Banga, Aklan ang nagwagi naman ng P1M.
Nakatakda ring lumipad si Revilla patungo sa lugar ng napili para dalhin ng personal ang isang milyong piso sa mismong bahay ng napakasuwerteng tagsubaybay.