
Si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na nanguna sa groundbreaking sa 11-hectare housing project sa ilalim ng Pambansang Pabahay Para sa Pilipino sa Brgy. Atate sa Palayan City, Nueva Ecija.

Ni NOEL ABUEL
PINURI ni House Speaker Martin G. Romualdez ang inagurasyon ng 11,000 housing units ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ilalim ng flagship Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program sa Barangay Atate sa Palayan City, Nueva Ecija.
Ang groundbreaking event, na tinawag na “Pambansang Pabahay Para sa Pilipino: Pamaskong Handog ni Pangulong Bongbong Marcos at ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD)”, ay ginawa sa Pag-Ibig housing site sa Brgy. Atate na personal na dinaluhan ni Pangulong Marcos.
“Building six million houses is the target of President Marcos Jr., I am very confident we can achieve this through our unity in purpose and the cooperation of all stakeholders in the program,” sabi ni Romualdez, na kasama ni Pangulong Marcos sa nasabing okasyon.
Magugunitang una nang pinlano na magtayo ng administrasyong Marcos ng isang milyong bahay kada taon sa ilalim ng programa sa susunod na anim na taon.
“Six million houses may be just another target to accomplish, but imagine giving six million families houses they can call their own. That is not only addressing the housing backlog, it is also realizing the dreams of millions of Filipinos who yearn for a house they can call their own,” ani Romualdez.
Ayon kay DHSUD Sec. Jose Rizalino Acuzar, ang 11-hectare Palayan City Township Housing Program ay bubuuin ng tatlong bahagi na magtatayo ng 44 towers na mayroong 11,000 housing units.
Sinabi ni Acuzar na ang master plan para sa township development sa Palayan City ay may mga pasilidad at amenities tulad ng elementary school, livelihood center, administrative offices, central park, basketball court, mini-market and hawker area, aquaphonics, sewage treatment plant, at materials recovery facility.
Ang groundbreaking ng program sa pabahay ng administrasyong Marcos ay kasabay ng paglagda sa memorandum of agreement kasama sina Palayan City Mayor Viandrei Nicole “Vianne” J. Cuevas, Acuzar, GSIS President at General Manager Jose Arnulfo “Wick” Veloso, at iba pang opisyal ng Social Security System, Pag-Ibig, atbLand Bank of the Philippines.
“President Marcos is addressing the country’s woes on all fronts almost simultaneously: food security, foreign investments, jobs and livelihood, public order and safety, health and social protection, and now social services like housing,” ani Romualdez.
“We in Congress will do everything to support our President in all of his programs because we also believe that if we work as one, we can achieve even the greatest of ambitions. This is how we move forward, this is how we move mountains,” dagdag nito.
Nauna nang tinantiya ng DHSUD na aabot sa 10.9 milyon ang backlog sa pabahay, kung hindi matugunan, sa pagtatapos ng administrasyong Marcos.