
NI NOEL ABUEL
Binalaan ng isang mambabatas ang mga online retailers na nagtatago ng presyo ng produkto nito at inilalabas lamang tunay na halaga sa pamamagitan ng private message (PM).
“Online retailers who do not put price tags on their products, and who only divulge their prices via private message (PM) to prospective buyers, are violating the law,” sabi ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan.
Ang babala ng kongresista ay bunsod ng inaasahang last-minute holiday online shopping rush ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.
“We must stress that the law compels all retailers, under pain of penalties, to put price tags on their products for all consumers to see. This applies to all retailers, regardless whether they are selling online or in physical stores,” ani Libanan.
Giit pa nito, sa ilalim ng Consumer Act of 1992, ang isang produkto ay hindi maaaring ibenta ng mas mataas ang presyo sa nakalagay na price tag.
“In order to protect consumers, we would urge the Department of Trade and Industry to rigorously enforce the price tag requirement,” sabi ni Libanan.
Sa ilalim aniya ng batas, ang mga retailers ay pinagbabawalan na magbenta ng produkto sa publiko nang hindi inilalagay ang price tag.
Sinabi pa ng mambabatas na maraming online retailers kabilang ang mga nagbebenta sa social media platforms, ang nagbebenta ng produkto nang hindi naglalagay ng price tags at sa halip ay ginagawang sabihin ang presyo sa pamamagitan ng pagpapadala ng PM sa buyer.
“When consumers openly ask for an item’s price, the retailers would then reply with: “PM sent,” sabi nito.
Ayon kay Libanan, ipinasa ng Kongreso ang Consumer Act, o ang Republic Act No. 7394, upang masiguro ang pricing transparency at maprotektahan ang publiko laban sa posibleng pang-aabusos a presyo.
Sinabi pa ni Libanan, na isinasaad sa 30-year-old batas, sinumang lalabas sa price tag rule ay mahaharap sa pagkakakulong ng anim na buwan at multang P5,000.
Kung patuloy aniya lalabag sa batas ang isang online seller ay babawian ito ng business permit at lisensya.