Pagpapalawig ng Kadiwa ng Pasko suportado ng kongresista

Rep. Wilbert Lee

Ni NOEL ABUEL

Nagpahayag ng suporta si AGRI party-list Rep. Wilbert T. Lee sa pagpapalawig ng programang Kadiwa ng Pasko pagkatapos ng panahon ng Kapaskuhan upang matulungan ang mga pamilyang Pilipino na makayanan ang mataas na presyo ng pagkain.

“Suportado natin ang pagpapatuloy ng Kadiwa kahit sa susunod na taon. In fact, we should be looking at institutionalizing this program and implementing it on a much larger scale because this is a program that helps not just consumers but also producers,” sabi ni Lee.

Ang programa, na inilunsad sa buong bansa noong Nobyembre, ay naglalayong magbigay ng merkado sa mga lokal na magsasaka at maliliit na negosyo habang binibigyan din ang publiko ng abot-kayang pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan.

Nagagawa ng mga consumers na makabili ng National Food Authority (NFA) rice sa mas mababang presyo na nasa P25 kada kilo gayundin ng asukal na nasa P70 kada kilo sa mga Kadiwa ng Pasko rolling stores.

Ayon kay Lee, ang mga Kadiwa stores ay nagbibigay ng ideal na template na dapat makamit ng bansa para matupad ang karapatan ng publiko sa mura at masustansyang pagkain, at matiyak ang posibilidad na mabuhay ang kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda.

“Ganito naman talaga dapat ang target ng agrikultura natin, na mapababa natin ang mga presyo ng mga bilihin upang hindi magutom ang mga mamamayan, at ang mabigyan ng disenteng pagkakakitaan ang mga magsasaka at mangingisda. Sa ganitong sistema, Winner Tayo Lahat,” paliwanag pa ni Lee.

Sinabi rin ng mambabatas na ang pagpapalawig ng programang Kadiwa ay hindi bababa sa isang taon na regalo para sa mga pamilyang Pilipino na dumadaing sa bigat ng mamahaling pagkain.

“Napakalaking tulong, lalo pa’t patuloy na umaaray ang madla, at nangangamba dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin,” aniya pa.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) sa huling bahagi ng Consumer Expectations Survey (CES), ang mga sentimiyento ng mga Filipino consumers ay negatibo.

Idinagdag pa ng BSP, sa overall consumer index, humina sa -14.6% mula sa nakaraang bahagi na -12.9% dahil sa mga alalahanin sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mga gastusin sa bahay, mababang kita, at mas kaunting available na trabaho at mga nagtatrabahong miyembro ng pamilya.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s