
NI NERIO AGUAS
Aurora na magagamit ng mga mamamayan nito at ng mga sports enthusiast.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Bacong Sports Center ay natapos nang isagawa ni Aurora District Engineer Roderick A. Andal na nagkakahalaga ng P24.5 milyon.
Ang 1.76-square-kilometer indoor courts at 785.61-square-meter outdoor courts ay idinesenyo para magamit para sa tennis, volleyball, basketball, at sepak takraw.
Mayroon din itong dalawang comfort rooms para sa mga kalalakihan at kababaihan na maaaring magamit ng mga ito.
Sinabi ni Andal, na ang pasilidad sa Barangay Bacong ay naglalayong maengganyo ang mga kabataan na lumahok sa sports activities upang maging malakas ang pangangatawan ng mga ito.
Sinasabing maliban sa magagamit ang Bacong Sports Center sa mga sports events, magagamit dfin ito sa iba’t ibang public service activities gayundin bilang evacuation center ng mga residente ng San Luis sa panahon ng kalamidad.