
NI NERIO AGUAS
Tinitiyak ng Bureau of Immigration (BI) sa publiko na tuluy-tuloy ang ibinibigay nitong serbisyso sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang international airports.
“Following the cancellation of flights due to the technical issues experienced at the airports, we expect a huge number of arriving and departing passengers in the next few days. This adds to the already high number of travelers due to the holidays,” sabi ni BI Commissioner Norman Tansingco.
Giit nito, sapat ang bilang ng mga tauhan ng BI personnel sa lahat ng paliparan sa bansa na mag-aasikaso sa mga lokal at dayuhang turista sa bansa.
Ayon naman kay BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong na bagama’t inaasahan ang pagdagsa ng pasahero sa mga paliparan ay nakalatag naman ang kahandaan ng BI upang mabilis na maisaayos ang mga kinauukulang papeles ng mga pasahero.
“We have all hands on deck during this critical period. We have likewise instructed airport terminal heads to ensure all counters are manned,” sabi ni Capulong.
Panawagan pa nito sa mga Filipino na gamitin ang BI’s electronic gates na makakatulong upang mapabilis ang proseso na nasa 8 segundo lamang kada pasahero.
Sa datos ng BI, aabot sa kabuuang 12,304 ang arrivals noong Enero 1, na mas mababa kung ikukumpara sa 32,101 arrivals noong New Year’s eve.
Samantala, kabauuang 19,010 departures ang naitala noong Bagong Taon habang 24,405 nama ang naitala noong Disyembre 31.
