Surigao Del Sur niyanig ng magnitude 5.1

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Surigao Del Sur ngayong umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, dakong alas-6:09 ng umaga nang maitala ang magnitude 5.1 na lindol.

Natukoy ang sentro ng lindol sa layong  082 km hilaga silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur sa lalim na 001 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity III sa Hinatuan at Lingig, Surigao Del Sur.

Habang sa instrumental intensities ay intensity 1 sa Bislig City, ng nasabing probinsya.

Nag-abiso naman ang Phivolcs na inaasahan ang pagkakaroon ng aftershocks.

Leave a comment