
Masayang iniulat ni Speaker Martin G. Romualdez na ang pagpupulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at ng China’s National People’s Congress chairman na si Li Zhanshu ay lilikha ng maraming pagkakataon para sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan sa pagitan ng mga legislative body ng Pilipinas at China.
“So, that’s why we will look forward to the invitations that have actually been extended in the previous years but due to COVID, it did not materialize,” ani Romualdez.
Naniniwala aniya ito na ang pagpupulong ng Pangulong Marcos sa Chinese NPC chair ay isang magandang unang hakbang sa pagbuo ng isang positibong relasyon hindi lamang sa legislative body ng China, kundi sa mga lider at mambabatas ng dalawang bansa.
“But now that China is opening up this year, we look forward to seeing these some engagements and these exchanges between the Congress of China and the Congress and Senate of the Philippines come to fruition in the year 2023,” ayon pa kay Romualdez.
Binanggit pa nito na anumang kabutihang loob na natamo ng Pangulo sa nasabing pakikipagpulong sa mataas na opisyal ng gobyerno ng China ay dapat palalimin at palakasin ang relasyon ng dalawang bansa sa lahat ng aspeto.
Tiwala rin umano ito na makakatulong ito sa mga darating na buwan, lalo na sa oras na ang mga bansa ay natututo kung paano kumilos sa isang post-pandemic na pagkakataon.
Binigyan-diin din ni Romualdez ang kahalagahan ng naturang mataas na antas na pagpupulong, dahil nasa China si Pangulong Marcos Jr. mula Enero 3 hanggang Enero 5. para sa isang pagbisita.
Si Romualdez ay bahagi ng delegasyon ng Pangulong Marcos sa China habang sinusubukan ng Punong Ehekutibo na palawakin ang bilateral cooperation sa maraming larangan, tulad ng agrikultura, enerhiya, imprastraktura, agham at teknolohiya, kalakalan at pamumuhunan, at pagpapalitan ng kultura.