Japanese national na wanted sa Japan arestado ng BI

NI NERIO AGUAS

Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang babaeng  Japanese national na wanted sa bansa nito dahil sa pagkakasangkot sa kasong theft at financial fraud.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang naarestong dayuhan na si Risa Yamada, 26-anyos, noong Enero 9 sa kahabaan ng Roxas Boulevard sa Pasay City ng mga tauhan ng fugitive search unit (FSU) ng BI.

Ayon kay Tansingco, naglabas ito ng mission order para sa ikadarakip ni Yamada base sa hiling ng Japanese authorities sa Manila na isailalim ito sa deportasyon sa  Japan upang harapin ang kasong kinakaharap nito.

“She will be deported after our board of commissioners issues the order for her summary deportation.  She will then be deported and perpetually banned from re-entering the country for being an undesirable alien,” ayon sa BI chief.

Sa kanyang ulat, sinabi ni BI-FSU Chief Rendel Sy, na si Yamada ay may arrest warrant na inilabas ng Tokyo Summary Court na may petsang Setyembre  15, 2022 para sa kasong theft.

Sa ulat, si Yamada ay nakipagsabwatan sa iba pang suspek para nakawin ang data mula sa ATM cards ng mga biktima kung saan nagkunwa ang mga una na empleyado ng bangko at pulis.

At sa record ng BI, ang nasabing dayuhan ay itinuring nang undocumented alien kung saan nang maaresto at nakuha ang pasaporte ay nakitang kinansela na ito ng Japanese government.

Kasalukuyang nakadetine na ang dayuhan sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City habang inihahanda ang pagpapatapon dito pabalik ng Japan.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s