Naga Airport expansion, at Bicol railway project dapat nang matuloy — solon

Rep. LRay Villafuerte

NI NOEL ABUEL

Umaasa si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte na mangyayari ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na ipagpapatuloy ang sinimulang infrastructure projects ng nakaraang administrasyon para makalikha ng maraming trabaho at makatulong upang matapos na ang infra gap na pumatay sa mamumuhunan.

 Kabilang sa tinukoy nitong proyekto ang nabalam na Naga airport expansion at ang Bicol railway project na kapwa flagship project ng nakaraang administrasyon.

Ayon kay Villafuerte, pangulo ng National Unity Party (NUP), na kumpiyansa ito na mapapabilis ang modernisasyon ng nasabing imprastraktura sa sandaling maipatupad ang dalawang proyekto na magpapaunlad sa ekonomiya at turismo sa Bicol region.

“The President’s reprise of his commitment last year to keep going this year and onwards the unmatched infra spending of the previous government deserves our full and unequivocal support. I am hoping such an excellent pursuit would include the expansion of the Naga Airport, which would enable more and bigger planes or jets to fly in and out of this gateway, and the rollout of the PNR-Bicol project, which would cut travel time by road trip from Manila to the region from about 12  hours to just four hours,” paliwanag pa ni Villafuerte.

Noong nakaraang Disyembre sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) committee, sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista, na bagama’t may inilaang pondo na ang dating administrasyong Aquino para sa moderinisasyon ng Naga Airport, hindi umasad ang proyekto dahil sa kabiguan ng Office of the Solicitor General (OSG) na lumahok sa legal battle sa usapin ng expropriation ng pribadong lupa na sasakupin ng pagpapalawig ng  runway ng nasabing paliparan. 

Inireklamo rin ni Villafuerte kay Bautista na sa kabila ng pagiging prayoridad ang PNR Bicol project ng Duterte administration sa ilalim ng “Build, Build, Build” program ay nabigo pa rin itong umusad dahil sa ulat na popondohan ito ng China at itatayo ng isang joint venture (JV) ng tatlong Chinese companies.

Tinukoy nito ang ulat na nilagdaan noong Enero 2022 na Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng DOTr at ng  JV firms China Railway Group Ltd., China Railway No. 3 Engineering Group Co. Ltd. at China Railway Engineering Consulting Group Co. Ltd. (CREC JV) sa  P142-billion Design-Build contract para sa disenyo at konstruksyon ng  Phase 1 ng PNR Bicol project, na sasakop sa 380-kilometer (km)   railway mula  Calamba, Laguna hanggang Daraga, Albay.

Dinagdag pa ng kongresista kay Bautista na ang Naga Airport project ay inaprubahan ng NEDA noong panahon noong Aquino III administration at binigyan ng pondo sa pagsisimula subalit sa loob ng anim ng taon sa ilalim ng Duterte administration ay walang nangyari.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s