Murang farm inputs at mas maraming post harvest facilities sagot sa mataas na presyo– solon

Rep. Wilbert Lee

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni AGRI party-list Rep. Wilbert T. Lee ang kahalagahan ng mahusay na paggasta sa pondo ng Department of Agriculture (DA) upang matugunan ang mataas ang presyo ng mga produktong pang-agrikultura tulad ng mga sibuyas.

Nabatid na nakatanggap ang agriculture sector ng P174 bilyon para sa 2023 na 20.2 porsiyento ng dagdag sa P144.8 bilyon pondo noong nakaraang taon.

“From this huge increase, we expect nothing less than improved services for farmers and fisherfolk, and for the agency to finally address long-standing problems in the agriculture sector,” sabi ni Lee.

“Kasama rito ang tulong para sa low production cost sa pamamagitan ng access sa murang abono at pesticides, farm equipment, gumaganang irigasyon at dagdag na post-harvest facilities tulad ng cold storage at transport facilities para maiwasan ang maraming nasasayang lalo na sa panahon ng kalamidad,” dagdag nito.

Ayon kay Lee, P16.89 bilyon ang inilaan ngayong taon para sa post-harvest facilities and services, na 40.6% na mas mataas kaysa sa nakaraang taon.

“Kung magagamit ang mas malaking pondong ito para tulungan ang agri workers na mapataas ang kanilang produksyon, hindi basta-basta kukulangin ng supply na dahilan ng pagtaas ng presyo sa merkado,” sabi pa nito.

Noong nakalipas na Disyembre 28, 2022, naiulat na ang presyo ng pulang sibuyas ay tumaas ng P720 kada kilo, na pitong beses na mas mahal na P100 kada kilo noong Hunyo na na monitor ng DA.

Samantala, ang puting sibuyas ay naibebenta sa halagang P600 kada kilo.

Ang pagtaas umano ng presyo ay dahil sa mababang domestic production, na bunga ng pagtaas ng production cost, kawalan ng post-harvest facilities at talamak na agricultural smuggling.

Nauna rito, ipinahayag ni Lee ang kanyang buong suporta kay House Ways and Means Committee Chair at Albay Rep. Joey Salceda na ang Kongreso, sa pamamagitan ng isang independent panel, ay lalaban sa mga agri smugglers.

“Sa pamumuhunan ng gobyerno sa mga programa at serbisyong totoong nagbubunga ng benepisyo at mas malaking produksyon ng mga magsasaka at mangingisda, makikinabang din ang consumer at buong bansa—Winner Tayo Lahat,” ayon pa kay Lee.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s