
NI MJ SULLIVAN
Niyanig ng magkakasunod na paglindol ang lalawigan ng Camrines Norte, ngayong araw ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Phivolcs, dakong alas-5:57 ng madaling-araw nang tumama ang magnitude 4.8 na lindol sa bayan ng Tinagan Island sa Vinzons ng nasabing lalawigan.
Natukoy ang sentro ng paglindol sa layong 012 km timog silangan ng Tinaga Island, Vinzons Camarines Norte, na may lalim lamang na 001 km at tectonic ang origin.
Naitala ang intensity V sa Mercedes, Camarines Norte; intensity IV sa Guinayangan, at Tagkawayan, Quezon; intensity III sa Buenavista, at Lopez, Quezon; Naga City, Camarines Sur; intensity II sa Catanauan, at San Narciso, Quezon.
Samantala, sa instrumental intensities, natukoy ang intensity V sa Daet, Camarines Norte; intensity III sa Jose Panganiban, Camarines Norte; City of Iriga, at Ragay, Camarines Sur; San Roque, Northern Samar.
Intensity II sa Alabat, Guinayangan, Gumaca, Infanta, Mauban, at Mulanay, Quezon; Pasacao, t Pili, Camarines Sur at intensity I sa lungsod ng Marikina; Pasig; Pulilan, Bulacan; Calauag, Quezon; at Taytay, Rizal.
Dalawang aftershocks ang naramdaman sa lakas na magnitude 2.6 at magnitude 1.5 dakong alas-6:30 at alas-7:00 ng umaga na nakita ang sentro sa layong 014 km timog silangan ng Tinaga Island at Paracale, Camarines Norte.