Southern Tagalog Regional Hospital pinasiyaan ni Sen. Revilla

Ni NOEL ABUEL.

Pinasinayaan ni Senador Ramon Bong Revilla Jr. ang ang bagong apat na palapag na gusali bilang karagdagang pasilidad sa mga pagamutan sa Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) sa Bacoor City.

Tinawag itong Revilla Sr. Bldg. bilang pagkilala sa pangarap nitong magkaroon ng magandang pagamutan noong ito ay nabubuhay pa, hindi lang sa mga taga-Bacoor kung hindi sa buong Cavite kaya inilaan nito ang kaniyang sariling lupa na kinatatayuan ng buong STRH.

Dinaluhan ni Department of Health (DOH) Acting Secretary Dr. Maria Rosario Vergerie ang nasabing pagpapasinaya kasama sina Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado-Revilla, Bacoor City Mayor Strike Revilla at Cavite Governor Jonvic Remulla.

Sinasabing magiging maayos na ang Admitting Section, Medical Records, Malasakit Center at Philhealth bukod pa sa pharmacy at laboratory na lubhang kailangang upang hindi na lumayo pa ang mga pasyente.

Sa maikling pananalita ni Revilla ay binanggit nitong matagal nang pangarap ng kaniyang ama na magkaroon ng maayos na pagamutan sa Cavite kaya lamang ay wala umanong lugar kaya pinayagan niyang sa sarili niyang lupa na lamang ito itayo.

“Tiyak na tuwang-tuwa ang Daddy, saan man siya naroon dahil hindi nasayang ang donasyon niyang lupa at patuloy pa itong lumalago at gumaganda pati ang serbisyo” saad pa ni Revilla.

Idinagdag pa ni Revilla na hindi umano ito titigil kasama ang iba pang pamilya na mas mapaganda ang STRH hanggang sa mapabilang na ito sa mga mahuhusay at kilalang pagamutan sa bansa.

Bukod sa naunang pondo para maitayo ang STRH ay sinabi rin ni Revilla na naglaan pa ng karagdagang P60 milyong pondo para sa taong ito dahil sa pagpapatayo ng karagdagang pasilidad at P110 milyon pa para naman sa karagdagang equipment na umabot sa kabuuang P170 milyon.

Kabilang sa mga kukumpletuhin ay ang MRI, Dialysis Machine, C-ARM X-ray, Ultrasound Machine, Cardiotocogram Machine/Fetal Monitor, Infant Incubators, 2d Echo, Echocardiography table, Cardia Monitor with Central Monitor System, Anesthesia Machine with Cardiac Monitor and Capnograph, Defibrillators with adult and pediatrics paddles, Electrocardiogram Machines, Suction Machines, IV Infusion Pumps, Syringe Pumps at Service/Transport Vehicles.

“Dahil sa mga bagong kagamitan ay mas makapagbibigay ng maayos na serbisyo ang ating mga doktor at nurses, lalo na sa dialysis dahil magkakaroon na ng dialysis center” saad pa ni Revilla.

Sinabi pa ni Revilla na ang grabeng karanasan sa nagdaang pandemya ang nagtulak sa kaniya para mas lalo pang pag-ibayuhin na makumpleto ang STRH at makapagbigay ng mahusay na serbisyo.

Sa huli ay binanggit ni Revilla ang DOH at si Pangulong Ferdinand BongBong Marcos (PBBM) na inaasahang may karagdagang maitutulong para mas lalo pang gumanda ang nabanggit na pagamutan.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s