2 BI personnel iniimbestigahan sa human trafficking

NI NERIO AGUAS

Dalawang tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang kasalukuyang iniimbestigahan kaugnay ng pagkakasangkot ng mga ito sa kasong human trafficking sa Clark International Airport (CIA) at sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa inilabas na kautusan ni BI Commissioner Norman Tansingco, inalis na sa posisyon ang hindi pinangalanang BI personnel  habang isinasailalim sa imbestigasyon at tuluyang paghahain ng kaso sa Department of Justice (DOJ).

“We have received information that the two have links to trafficking syndicates. We are initiating an investigation to verify this information, and if there is indeed probable cause, we shall file the appropriate case before the Department of Justice (DOJ),” sabi ng BI chief.

“While imposing penalties would be subject to the resolution of possible cases against them, we are relieving them from frontline duty to ensure unbiased investigation,” dagdag nito.

Kasabay nito, nagbabala si Tansingco sa lahat ng BI personnel na  masasangkot sa nasabing illegal na aktibidades na agad na mahaharap sa kasong administratibo hanggang sa tuluyang pagsibak sa tungkulin.

“The elimination of corruption is really one of my main targets in the Bureau. Any attempt to engage with corrupt practices shall be met with the harshest penalties possible,” babala pa ng opisyal.

Magugunitang makailang beses nang may nasasagip na mga overseas Filipino workers (OFWs) na pawang biktima ng human smuggling sa NAIA at sa iba pang paliparan sa mga nakalipas na buwan habang ang iba pa ang nagagawang makalabas ng bansa kahit kuwestiyunable ang papeles sa posibidad na may kasabwat na sindikato ng human smuggling.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s