Dating Nueva Ecija mayor pinananagot ng COA

NI NOEL ABUEL

Dahil sa hindi pagpa-insure sa municipal building sa General Insurance Fund sa ilalim ng Government Service Insurance System (GSIS), isang dating alkalde ng San Antonio, Nueva Ecija ang pinananagot ng Commission on Audit (COA) para sa pinsalang dulot ng sunog nito noong 2013 na nagkakahalaga ng P21.99 milyon.

Sa inilabas na desisyon ni dating COA chairperson Rizalina Justol at Commissioners Roland Pondoc at Mario Lipana, pinatawan ng kasong negligence si dating Mayor Arvin C. Salonga.

Nabatid na ang sunog ay sumiklab pasado alas-12:00  ng hatinggabi noong Hunyo 8, 2013 sa itaas na palapag ng two-level town hall, 22 araw bago matapos ang termino ni Salonga makaraang matalo noong nakaraang buwan sa halalan kay noo’y mayor-elect Antonio Lustre.

Inihanda ng municipal accountant ang listahan ng lahat ng ari-arian ng lokal na pamahalaan na nasira ng sunog at iniulat ang kabuuang halaga na aabot sa kabuuang P21,992,771.99.

Nakita ng state auditors na si Salonga ay naghain ng apela para sa relief mula sa pananagutan sa nasunog na ari-arian noong Hulyo 21, 2016 o higit sa tatlong taon pagkatapos ng sunog kung saan kasabay nito ay muling nahalal itong alkalde.

Naghain din ang Bureau of Fire Protection BFP) ng kasong kriminal o arson laban kay Salonga sa Office of the Ombudsman subalit sa huli ang ibinasura dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Sa kanyang pahayag, sinabi ni Salonga na nagdesisyon itong hindi na sumailalim sa insurance sa kadahilanang ang dating municipal building ay luma na kahit sumailalim sa renovations at rehabilitasyon sa ilalim ng nakalipas na administrasyon bago ang panunungkulan nito.

Gayunpaman, sinabi ng COA na pananagutan ni Salonga ang pinsala dahil responsibilidad nito bilang nakaupong alkalde noong panahong iyon na protektahan ang mga ari-arian ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtiyak na nasa ilalim ito ng insurance coverage gaya ng iniaatas ng RA 656 na lumikha ng Property Insurance Fund sa ilalim ng GSIS.

“[Salonga] cannot use the reason that he was no longer the mayor then because the incident transpired on June 8, 2013 when he was still holding such position in the municipality. He had 22 days left to file the notice of loss prior to the end of his term as mayor on June 30, 2013,” sabi ng COA.

Gayundin, napatunayan ding pabaya ito na obserbahan ang antas ng pangangalaga, pag-iingat, at pagbabantay na makatarungang hinihingi ng mga pangyayari.

Ayon sa COA, ang kawalan ng insurance coverage ang naging dahilan ng pagkawala o pinsala sa gobyerno.

“Mayor Salonga is liable as the Chief Executive for his negligence to insure the property during his term. His failure to do so deprived the municipality of the value and use of the municipal building,” ayon pa sa COA.

Sa kabila ng pagbasura ng Ombudsman sa reklamo laban kay Salonga, sinabi ng COA na pananagutan pa rin ng alkalde ang halaga ng nasirang gusali.

“While it is not certain that Mayor Salonga has caused the burning of the building, his civil liability, as discussed earlier, remains as the burnt properties were part of his accountability,” ayon pa sa COA.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s