Kongreso ginawang P3B ang fuel subsidy sa public transport drivers

Rep. Marvin Rillo

Ni NOEL ABUEL

Dinagdagan ng Kongreso sa P3 bilyon ngayong taon ang pondo para sa direktang subsidiya sa gasolina para sa mga tsuper ng pampublikong sasakyan.

Ito ang sinabi ni Quezon City Rep. Marvin Rillo, miyembro ng House appropriations committee, noong Linggo.

“The P500 million increase from P2.5 billion to P3 billion is factored into the 2023 General Appropriations Law,” ani Rillo.

“The upward adjustment is meant to cushion a greater number of public transport drivers from elevated fuel prices,” dagdag nito.

Ang nasabing fuel subsidy sa transport sector na naapektuhan ng patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo ay nagpapalawig ng tulong pinansyal sa mga drivers ng mga public utility vehicles (PUVs), TNVS at delivery services.

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay naghahatid ng tulong sa pamamagitan ng mga cash card na nagkakahalaga ng P6,500 bawat isa na inisyu ng state-owned na Land Bank of the Philippines, o sa pamamagitan ng mga fuel voucher na maaaring i-redeem sa mga gasolinahan.

“There’s really no telling where oil prices will be in the months ahead, considering that Russia’s invasion of Ukraine is still ongoing, so the government has to be ready to sustain subsidies to the most vulnerable sectors,” ayon kay Rillo.

Sinabi pa ng mambabatas na sa 2023 General Appropriations Law ay kasama rin ang P490 milyon para sa Fuel Assistance to Fisherfolk Program ng Department of Agriculture (DA).

“There’s also another P510 million for the DA’s Fuel Assistance to Corn Farmers Program,” sabi pa ng kongresista.

Sinabi ni Rillo na ang pagpapalabas ng mga subsidyo ay mangyayari sa oras na ang average na presyo ng krudo sa Dubai batay sa Mean of Platts Singapore (MOPS) sa loob ng tatlong buwan ay umabot o lumampas sa $80 kada bariles.

Noong nakaraang linggo, ang Dubai crude oil futures contracts para sa paghahatid noong Pebrero ay nanatili sa $81.82 bawat bariles, habang ang para sa delivery noong Marso ay nanatili sa $81.25 bawat bariles.

Sa kalagayan ng pagsalakay ng Russia sa Ukraine, ang mga presyo ng langis.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s