Super Health Center itinayo sa Aklan sa tulong ni Sen. Bong Go

Ni NOEL ABUEL

Pinasinayaan ni Senador Christopher “Bong” Go ang groundbreaking ng Super Health Center sa Tangalan, Aklan, upang isulong ang kanyang adbokasiya na mapabuti ang sektor ng kalusugan ng bansa at magtatag ng mas maraming pasilidad pangkalusugan na makabuluhang mapakikinabangan ng mga Pilipino, lalo na ang mga na nabibilang sa mga mahihinang sektor at komunidad sa kanayunan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Go na umaasa ito na ang estratehikong pagtatayo ng Super Health Centers ay magbibigay-daan sa mas maraming mahihirap na Pilipino na makakuha ng mahahalagang serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan, lalo na sa mga rural areas.

Nabatid na nasa apat na Super Health Centers ang itinayo sa Western Visayas kung saan personal na dinaluhan ito ni Go.

“Sa pag-iikot ko sa bansa, napansin ko na kakaunti lang talaga ang ating health facilities, lalo na sa maliliit at malalayong mga lugar. Minsan po ‘yung iba ay nanganganak na lang sa tricycle dahil sa layo ng ospital,” sabi ni Go.

“Huwag sana natin hayaan na mangyari pa yon. Kaya talagang isinusulong ko ang pagkakaroon ng Super Health Centers. Pinili at inilagay ito ng DOH sa strategic areas. Pagkatapos nito, it will be managed and it will be turned over na sa local government unit,” dagdag nito.

Naging instrumento ang senador sa pagsusulong ng pondo para sa Tangalan Super Health Center at daan-daang iba pang naturang centers sa buong bansa.

Ipinangako rin nito ang kanyang patuloy na suporta para sa pagtatatag ng mas maraming Super Health Centers sa bansa dahil nauna nitong matagumpay na itinulak ang sapat na pondo para sa mas maraming SHC sa 2023 health budget.

“Kaya naman bilang inyong Senate Committee Chair ng Health, nananawagan po ako na ipagpatuloy lang natin ang pagbibigay ng mas maayos na healthcare access sa ating mga kababayan, lalung-lalo na po sa mahihirap. Yung walang matakbuhan, yung mga helpless at hopeless, sila ang dapat unahin,” ayon pa sa senador.

Sa ilalim ng Super Health Centers, magbibigay ito ng health services Kabilang ang database management, out-patient, birthing, isolation, isolation, diagnostic (laboratory: x-ray, ultrasound), pharmacy at ambulatory surgical unit.

Gayundin ang eye, ear, nose, and throat (EENT) service, oncology centers, physical therapy and rehabilitation center at telemedicine.

Maliban sa Tangalan, may Super Health Centers din na itatayo sa Ibajay, Balete, Batan, Malay, New Washington, Numancia, at Kalibo sa Aklan.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s