BI personnel na sangkot sa human trafficking hindi patatawarin – BI chief

NI NERIO AGUAS

Ipinangako ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na wala itong sasantuhin sa sandaling may mapatunayang BI personnel na sangkot sa human trafficking activities.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender ni Senador Risa Hontiveros, inamin ni Tansingco na tinanggal na nito sa tungkulin ang tinukoy na  immigration officer na sangkot sa pagpapalabas ng bansa ng tatlong biktima ng huwan trafficking sa Cambodia.

Isiniwalat ng isang alyas Ron isa sa mga Pinoy na na-traffic sa Cambodia, na pinilit ito ng kanyang mga amo na Tsino na mag-recruit ng ibang mga Pilipino para magtrabaho sa mga operasyon ng crypto scam.

Ibinahagi ni Ron na ang namumuno ng recruitment, na nagngangalang Rachel Almendra Luna, ay may mga contact sa mga opisyal ng BI Clark International Airport.

“Tahasang sinabi ni Rachel na nag-aabot sila sa immigration officer para makalabas ‘yung mga Pilipino, pero hindi niya binigay ang mga pangalan ng mga contact nila sa immigration,” sabi ni Ron sa pagdinig sa Senado.

“We will not tolerate any such misdemeanor amongst our ranks.  We are one with Senator Hontiveros in her goal to rid the country of this societal ill. The fight against trafficking is a huge undertaking, and we have long been raising that this should be tackled using a whole-of-government approach.  We have to take it from its roots, and pull out this weed that destroys lives of our kababayan,” sabi ni Tansingco.

Nanawagan din ang senador na linisin ang BI sa lalong madaling panahon upang matiyak ang proteksyon ng bawat Pilipinong umaalis sa ating bansa.

“Marami nang napabalitang sibak pero tuluy-tuloy pa rin ang pagre-recruit ng mga Pilipino para mang-scam. May mga contact pa ba ang sindikato sa loob ng BI? Bakit hindi ito maampat?,” ayon sa senador.

“I had already urged a BI overhaul in the wake of the Pastillas scam investigation two years ago, pero parang walang nagbago. Sa dami ng mga nai-traffic na Pilipino na nasa Cambodia at Myanmar pa rin, ang BI, bilang ating huling linya ng depensa laban sa trafficking, ay malinaw na may shaping up na kailangan gawin. Kailangang i-regroup at ayusin ng BI ang kabuuan ng kanilang ahensya,” dagdag ni Hontiveros.

Ayon din sa senador, dapat ding balikan ang Immigration Modernization bill para mapahusay ang operasyon ng BI, tulad ng pagsasaayos ng salary grade, pagbibigay ng immigration system updates, at iba pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s