Hustisya kay Ranara iginiit ng kongresista

Ni NOEL ABUEL

Hindi na dapat pang magpatumpik-tumpik ang pamahalaan at igiit ang agarang hustisya sa ang brutal na pagpaslang sa overseas Filipino worker (OFW) na si Jullebee Ranara sa bansang Kuwait.

Ito ang pahayag ni OFW party list Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa gobyerno at sa mga ahensya ng pamahalaan partikular ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Worker (DMW).

Sinabi pa ng kongresista na si Jullebee Rarana ay hindi lamang basta pinatay, kundi maging ang kanyang bangkay ay sinunog nang walang pakundangan. Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang suspek dito ay menor de edad na anak ng kanyang amo na gumahasa pa sa kanya at bumuntis

“Dati nang nagpatupad ng ‘ban’ sa pagpapadala ng OFW sa bansang Kuwait sa pag-aakalang maitatama na ang masamang kalagayan ng ating mga kababayan. Pero matapos i-lift ang ban dito ay muli na namang may kababayan tayong nagbuwis ng buhay dahil sa pang-aabuso ng banyagang amo,” sabi ni Magsino.

“Dapat maging matapang ang pamahalaan sa pagkamit ng hustisya sa pagkamatay ni Jullebee Ranara. Bukod dito, dapat din nating palawakin ang diskusyon at pagtibayin ang aksyon sa mga malalim, paulit-ulit, at sanga-sangang problema sa ating labor migration,” dagdag pa nito.

“Si Jullebee Ranara ay hindi lamang numerong dumagdag sa istatistika ng mga inabusong OFWs, kung hindi isang minamahal na anak, kapatid, at ina. Bilang kinatawan ng mga OFW sa Kongreso, hindi natin palalagpasin ito at tututukan natin ang imbestigasyon hanggang sa mabigyang hustisya ang pagkamatay ni Jullebee,” pahayag pa ng mambabatas.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s