Ekonomiya ng Pilipinas umarangkada noong 2022

NI KAREN SAN MIGUEL

Nakapagtala ng mas mataas na paglago ang ekonomiya ng Pilipinas noong 2022 kung saan ang gross domestic product (GDP) growth ng bansa noong huling quarter ng nakalipas na taon ay umabot sa 7.2% base sa inilabas na data ng gobyerno.

Ayon sa Philippine Statistic Authority (PSA) nalagpasan ng 7.6 GDP growth noong 2022 ang target na 6.5% hanggang 7.5% na economic growth ng pamahalaan.

Sinasabing kabilang sa naitalang indicators ng magandang paglago ng ekonomiya ng bansa ay ang pagtaas ng consumption, mababang bilang ng walang trabaho at ang pagtaas ng big-ticket purchases.

Samantala, ayon naman sa mga ekonomista ang economic growth ay nakitaan ng pagbagal ng paggalawa ngayong unang bahagi ng 2023.

Una nang nagbabala ang ilang ekonomista sa pagbilis pa ng inflation, nakaambang global recession at epekto ng nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine na nagdudulot ng patuloy na pagtaas na presyo ng produktong petrolyo at pangunahing bilihin na nananatiling banta sa paglago ngayong taon.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s