
Ni NERIO AGUAS
Aabot sa mahigit 1,300 dayuhan ang ipinatapon ng Bureau of Immigration (BI) pabalik ng mga bansa ng mga ito noong nakalipas na taon.
Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, nasa kabuuang 1,339 aliens ang inilagay na sa blacklist order upang hindi na makabalik ang mga ito sa bansa.
Nabatid na karamihan sa mga dayuhang ipinatapon palabas ng bansa ay mga kasong paglabag sa Immigration Act partikular ang pagiging overstaying, at undesirable aliens.
Nangunguna sa mga dayuhang naipa-deport ay mga Chinese nationals na nasa 1,104 ang bilang na sinundan ng South Koreans na nasa 87.
Pumangatlo naman ang Vietnamese na nasa 39 habang 19 naman ng US nationals at panlima ang Nigerians na nasa 12 ang bilang.
“Despite the onslaught of the pandemic and the difficulties brought about by travel restrictions worldwide, the BI continued its arrest and deportation of illegal aliens,” sabi ni Tansingco.
“We remain relentless in our drive to rid the country of aliens who abuse our people’s hospitality and pose a threat to our society,” dagdag nito.