
NI NOEL ABUEL
Umapela ang isang kongresista kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na panahon nang magtalaga ng bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na walang planong tumakbo sa susunod na eleksyon.
“We would urge the President to appoint a DSWD secretary who is not interested or involved in politics, and who has a lot of compassion for the poor and marginalized,” sabi ni House Minority Leader at 4Ps party list Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan.
“The country does not need a DSWD head who is keen on running for public office in the 2025 or 2028 elections,” dagdag nito.
Giit nito, kailangang ang mauupong kalihim ng DSWD ay walang iniisip na eleksyon sa sarili upang maging matagumpay ang trabaho nito.
Inihalimbawa pa nito na malaking bagay na mayroong pinuno ang DSWD lalo na at nakakaranas ng malawakang pagbaha sa Eastern Visayas at sa iba pang bahagi ng bans.
Aniya, dahil sa masamang panahon na naranasan sa unang dalawang linggo ng 2023, ang pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa na kumitil na sa buhay ng 17-katao sa buong bansa at nasa kabuuang 523,991 indibiduwal mula sa 121,950 pamilya, ayon na rin sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
Sinabi pa ni Libanan, na sa 2023 General Appropriations Law, may P4.12 bilyon ang DSWD para sa Disaster Response and Management kabilang ang P1.75 bilyon sa Quick Response Fund (QRF).