Tax exemption ng balikbayan boxes inihain sa Kamara

NI NOEL ABUEL

Inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang i-exempt mula sa mga buwis ang libu-libong balikbayan boxes ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at iba pang Filipino sa ibang bansa para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Sa House Bill no.  6752 o “An Act instituting the Expanded Balikbayan Program” ni Cagayan de Oro City Rep. Rufus Rodriguez, nakapaloob din na oobligahin ang Bureau of Customs (BOC) na huwag gumamit ng “non-intrusive” methods tulad ng x-ray o sa pamamagitan ng K-9 sniffer dogs sa pag-iinspeksyon ng mga dumarating na balikbayan boxes.

Sinabi pa ni Rodriguez na sa kasalukuyan ay nasa 400,000 balikbayan boxes ang dumarating sa bansa kada buwan.

“These balikbayan boxes serve as the enduring testament of their sacrifice and hard work in order to secure a better future for their families back home. They represent their love and care for their families, who have to endure months or even years of separation from each other,” aniya pa.

 “The State affirms labor as a primary social economic force. It shall protect the rights of workers and promote their welfare,” dagdag pa ng kongresista.

Giit pa ng mambabatas, ang panukala nitong tanggalin ang lahat ng ipinapataw na buwis sa mga balikbayan boxes ay upang tanawin ng pamahalaan ang utang na loob sa mga OFWs na nagpapadala ng bilyun-bilyong piso sa kaban ng bansa kada taon.

“Their remittances contribute significantly to our nation’s economic growth. Some economists even say the funds our overseas workers sent home keep our economy afloat,” sabi ni Rodriguez.

Noong 2022, aabot sa $30 bilyon ang naipadala ng mga OFWs sa kanilang mga pamilya sa bansa.

Paliwanag pa ng mambabatas, nakapaloob pa sa panukala na ang mga balikbayan ay papayagang makapagpadala ng isang box na ililibre sa buwis na ipinapataw sa ilalim ng National Internal Revenue Code at sa Customs and Tariff Code kahit ano ang laman ng bagahe.

Sa kasalukuyan, itinatakda ng BOC ang value limit ng balikbayan box ay nasa P150,000.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s