Wanted na Cypriot national naaresto sa NAIA

Ni NOEL ABUEL

Naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Cypriot national na wanted sa bansang Greece dahil sa kasong may kinalaman sa financial fraud.

Kinilala ni Immigration Commissioner Norman Tansingco ang nasabing dayuhan na si Renos Neofytou, 59-anyos, na naharang sa NAIA Terminal 3 noong nakalipas na Linggo bago makasakay ng Air Asia flight patungong Kuala Lumpur, Malaysia.

Sinabi ni Tansingco na pinagbawalan si Neofytou na makaalis ng bansa matapos na magrehistro ang kanyang pangalan ng positive hit sa database ng Interpol ng mga wanted na dayuhan nang i-scan ng isang immigration officer ang kanyang pasaporte sa kanyang computer.

“It appears that he is a convicted felon who is wanted to serve a prison sentence handed to him by a court in Greece,” ayon sa BI chief.

Idinagdag ni Tangsingco na ang naturang dayuhan ay ipapatapon palabas ng bansa pagkatapos maglabas ng desisyon ang BI board of commissioners para sa kanyang summary deportation.

“He will then be placed in our immigration blacklist of undesirable aliens and banned from reentering the country,” ayon kay Tansingco.

Ayon sa national central bureau (NCB) ng Interpol sa Maynila, si Neofytou ay napapailalim sa red notice na inisyu ng NCB Greece noong 2017 kasunod ng nine counts na bilang ng paglabag sa check law ng bansa, patuloy na hindi pagbabayad ng mga utang sa Estado at pagbibigay at pagtanggap ng mga fictional tax documents.

Napag-alaman na si Neofytou ay nakatanggap ng iba’t ibang sentensiya mula apat na buwan hanggang limang taon sa bawat isa sa mga kasong isinampa laban dito.

Gayundin, napatunayang mananagot ito ng isang taong sentensiya ng pagkakulong para sa pagtakas sa Greece upang maiwasan ang pag-uusig laban dito.

Kasalukuyang nakakulong sa BI warden facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City si Neofytou habang inihahanda ang mga papeles sa gagawing pagpapatapon dito.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s