
NI NOEL ABUEL
Suportado ng mga senador at kongresista ang pagkakatalaga kay Valenzuela City Rep. Rex Gatchalian bilang bagong kalihim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Kapwa nagpahayag ng tiwala sina Senador Nancy Binay at House Deputy Speaker at Batangas Rep. Ralph Recto na magagawa ni Gatchalian ang trabaho nito dahil sa mga kasanayan nito bilang alkalde at kongresista.
“Good choice si Mayor Rex dahil sa experience n’ya as a mayor, and plus factor ‘yung kanyang familiarity with the disadvantaged sectors at the grassroots level. Being a hands-on local chief executive, he knows how to operationalize the range of social welfare services and mechanisms, at napakalaking bagay sa DSWD ang kanyang experience at exposure sa iba’t ibang ground scenarios,” sabi ni Binay.
Ganito rin ang paniniwala ni Recto sa pagsasabing sapat na ang kasanayan ni Gatchalian sa pakikihalubilo sa taumbayan kung ano ang pangangailangan ng mga ito.
“For one, he survived the stress test of being a big city mayor during the pandemic, a position which put him in close contact with the people and their problems. As a legislator, Rex is aware of the social causes of poverty which will drive him to focus on its roots, and not just on its symptoms,” sabi ni Recto.
“And if being a DSWD head requires the handling of disasters and managing development, he’s been there and done that. Kasing galing ng mga kapatid niya. Kaya ang text ko sa brother niya sa Senado: “A Gatchalian in DSWD is a Win,” dagdag pa nito.
Sinabi pa ni Recto na ang dating kongresista ay maituturing na “one gigantic ATM o Ayuda, Tulong Machine” na tamang-tama sa DSWD.
Umaasa ang mga mambababatas na nasa mabuting kamay ang P199 bilyon na pondo ng DSWD ngayong taon na mapagsisilbihan ang nasa 56 milyong tao o mahigit sa kalahati ng populasyon ng bansa.
Dagdag pa ni Binay, ang pagkakatalaga kay Gatchalian ay hindi na dapat pang kuwestiyunin dahil sa beterano na ito pagdating sa community welfare services.
“Besides, beterano at war-tested na si Mayor Rex pagdating sa community welfare services and programs lalo na nitong nakaraang pandemya. Kabisado na n’ya ang social work, and no need for him to start at the bottom of the learning curve,” aniya pa.