Let’s respect everyone’s freedom of religion– Speaker Romualdez

Si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na nagbigay ng mensahe sa pagdiriwang ng World Hijab Day sa North Wing Lobby ng House of Representatives ngayong Miyerkules ng hapon.

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga Pilipino na igalang ang kalayaan ng bawat isa sa relihiyon, kabilang ang karapatan ng mga babaeng Muslim na magsuot ng Hijab.

Ginawa ni Romualdez ang apela kasabay ng selebrasyon ng World Hijab Day 2023 sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Batasan Complex sa Quezon City.

Sinabi nito na ang pagsusuot ng hijab ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng isang disenteng pamumuhay.

“We celebrate the 10th World Hijab Day, an annual event that we celebrate with the rest of the world in recognition of a very basic
human right: the right to the free exercise of religion, a right that is enshrined in our very Constitution,” ani Speaker.

“In this instance, it is to recognize the right of every Muslim woman who chooses to wear the hijab as an expression of her faith,” dagdag nito.

Gayunpaman, ikinalungkot ni Romualdez na sa halip na ipakita ang mayamang kultura at relihiyosong kahalagahan ng hijab sa mga mananampalataya sa Islam, kabaligtaran ang nangyayari.

“It often becomes the object of discrimination. And we can all agree that discrimination hampers our ability to grow and mature as a country with diverse religious and ethnic backgrounds, and is therefore a deterrent to nation-building,” sabi pa nito.

Ito ang dahilan kung kaya’t noong 18th at 19th Congresses, ipinasa ang National Hijab Day Bill, na ipinanukala nina Basilan Rep. Mujiv Hataman at Romualdez.

“We recognize the importance of not only commemorating this day on a national level but also mandating an education campaign be launched to enhance and magnify the Filipino people’s understanding of why Muslim women wear the Hijab,” ayon pa sa lider ng Kamara.

“Tama po ang ating butihing congressman from Basilan: kailangan nating ituwid ang paniniwala tungkol sa pagsusuot ng Hijab,” sa pagtukoy kay Hataman.

Ipinunto nito na kailangan ng batas na magpapaunawa at makikilala ng mga Pilipino ang karapatan ng mga babaeng Muslim na magsuot hijab at huwag idiskrimina.

“We need to make our citizens understand the true meaning or symbol of the hijab, which is to live a life of modesty as a Muslim woman,” ayon pa kay Romualdez.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s