Pera, cellphones at matatalas na gamit nakumpiska sa loob ng BI detention facility

Ni NERIO AGUAS

Nagsagawa ng pagsalakay ang Bureau of Immigration (BI) sa piitan ng mga nakakulong na mga dayuhan sa loob ng Camp Bagong Diwa, Taguig

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco nasa 49 operatiba ng BI Intelligence division (ID), sa tulong ng 84 pulis at tauhan ng SWAT personnel mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang nagsawa ng surprise massive raid dakong alas-2:30 kaninang madaling-araw.

“We sent a letter to the NCRPO the other day requesting their assistance in the massive raid that we are conducting. We are thankful that they extended their assistance and support to our efforts,” sabi ng BI chief.

Umabot ng tatlong oras ang paghalughog sa mga kuwarto ng mga dayuhan kung saan sari-saring gamit at pera ang nakumpiska.

Kabilang sa nakuha ang matatalas na gamit, sigarilyo, cellular phones, laptops, modems, at hindi pa nadedeklarang pera.

Sinasabing ang pagsalakay ay isinagawa kasunod ng ulat na natanggap ng BI na may mga illegal at undeclared objects sa loob ng nasabing pasilidad.

“We also conducted a spot drug test on all BIWF employees on duty. All yielded negative results,” sabi pa ni Tansingco.

Ipinag-utos din nito ang mahigpit na pagpapatupad ng pagbabawal sa paggamit ng mga gadgets ng mga nakakulong.

“We will not tolerate any misdemeanor in any office of the BI. May this serves as a warning to those who may attempt to smuggle illegal contraband inside the facility. We will be conducting numerous surprise inspections, and those who will be caught will be held liable,” babala pa nito.

Matatandaang noong Oktubre, naharang ng mga tauhan ng BIWF ang dalawang magkahiwalay na tangkang pagpuslit ng methamphetamine o shabu sa loob ng mga kimchi container.

Leave a comment