Sen. Marcos pinasalamatan ni Rep. Haresco sa tulong sa magsasaka sa Aklan

Ni NOEL ABUEL

Pinuri at pinasalamatan ni Aklan 2nd District Rep. Teodorico Haresco Jr. si Senador Imee Marcos at ang Department of Agriculture (DA) sa kanilang pagsisikap na magbigay ng tulong pinansyal sa 7,000 magsasaka sa naturang lalawigan.

Sa ilalim ng programang Rice Competitiveness Enhancement Fund-Rice Farmers Financial Assistance (RCEF-RFFA) program ng DA, P5,000 pinansiyal na tulong ang ibibigay sa mga benepisyaryong magsasaka na nagmamay-ari ng hindi hihigit sa 2 ektarya ng lupang taniman.

“We are very grateful that Senator Imee Marcos is here in Aklan to reassure our local farmers of the strong commitment of the government to support the much-needed development of our agricultural sector,” ani Haresco, vice chair ng House Committee on Agrarian Reform.

Sinabi pa ng mambabatas na patuloy nitong susuportahan ang mga magsasaka ng palay kasama ng tanggapan ni Sen. Marcos at DA-Region VI.

Noong Enero 14, pinangunahan nito ang pamamahagi ng RCEF-RFFA sa mahigit 1,800 farmer-beneficiaries sa West Aklan.

Pinasalamatan din ni Marcos ang mga Aklanon sa kanilang patuloy na pagsuporta sa kanya at sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“We hope that we can return that love with the support and assistance for our farmers and the dream of doubling the income of Aklanon farmers someday,” ani Marcos.

Ayon pa sa senador, karagdagang 40,000 magsasaka ang makakatanggap ng financial aid sa ilalim ng RCEF-RFFA program.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s