Romualdez sa DA at DTI: All out war vs hoarders ng sibuyas

Si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez (ikatlo sa kanan), kasama ang iba pang kongresista na nakipagpulong sa DA at DTI para pakilusin laban sa nagmamaniobra sa presyo ng sibuyas.

Ni NOEL ABUEL

Nakipagpulong si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) at Department of Trade and Industry (DTI) at nanawagan ng all-out war laban sa mga hoarders at tiwaling negosyante ng sibuyas at iba pang produktong pang-agrikultura.

Kabilang sa mga action plan na pinagtibay sa pulong ay para sa DA na kunin ang P276 milyong Kadiwa Food Mobilization Fund sa ilalim ng 2023 budget para bilhin ang ani ng mga magsasaka sa mga presyong mas mataas kaysa sa gastos sa produksyon, at ibenta ito sa pamamagitan ng Kadiwa sa farm gate prices sa pilitin ang mga hoarder na idiskarga ang kanilang mga stock.

Matatandaang noong Linggo, binalaan ni Romualdez ang mga hoarders at mga mangangalakal na nagmamanipula sa supply at presyo ng sibuyas at iba pang agricultural commodities na bilang na ang kanilang mga araw.

“We cannot allow it anymore. It’s too much. Kawawa ang tao,” ani Romualdez.

Hiniling ng lider ng Kamara sa mga opisyal ng DA at DTI na tulungan ang Kongreso na matukoy ang mga abusadong negosyanteng ito para maimbitahan sa nalalapit na imbestigasyon ng Kongreso sa pagmamanipula ng suplay at presyo ng mga produktong agrikultura.

“If you know who these people are, let us know. We will invite all of them, if not, have the authorities arrest them,” giit ni Romualdez.

Hiniling ni Romualdez sa mga opisyal ng DA at DTI na tulungan ang Kongreso na matukoy ang mga walang prinsipyong negosyanteng ito para maimbitahan sila sa nalalapit na imbestigasyon ng kongreso sa pagmamanipula ng suplay at presyo ng mga produktong agrikultura.

Sinabi nito na kinikilala ng mga mambabatas ang karapatan ng mga negosyante sa ilalim ng isang rehimen ng malayang kalakalan na kumita ng tubo ngunit hindi ito dapat magdulot ng kapinsalaan at paghihirap ng mga taumbayan.

Sinabi pa ni Romualdez na dapat tiyakin ng mga kinauukulang ahensya ang mas malapit na kooperasyon at pagsama-samahin ang kanilang mga aksyon upang matiyak ang isang epektibong kampanya laban sa mga hoarders at manipulative traders, na binabanggit na ang mga ahensya ay nagbibigay ng iba’t ibang data sa sitwasyon.

“We are also giving budget to the DA and your agency so we want to make sure you are performing optimally. It doesn’t seem to be the case at the moment—but we want to get there. Because at the end of the day, with the best data, the best feedback, we can make the best policies so we can avoid this situation were some unscrupulous personalities and cartels are taking advantage of the situation,” paliwanag pa nito.

Tiniyak ng Speaker sa mga opisyal mula sa DA at DTI na magkakaroon ito ng buong suporta ng Kamara sa paglulunsad ng todo-giyera laban sa mga hoarders at abusadong mangangalakal ng sibuyas at iba pang produktong agrikultura.

“We will help you, that’s why we’re here. You will not be powerless. We will use the power of the House. We will shine the light on them and then we will take them to account for this,” sa pahayag ni Romualdez sa DA atbDTI officials na humarap sa pagpupulong.

Leave a comment