Speaker Romualdez sa DMW: No placement fee ipatupad

Ni NOEL ABUEL

Hinimok ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Department of Migrant Workers (DMW) na pag-aralan na isulong ang pagpapatupad ng walang placement fee para sa mga manggagawang Pilipino na papasok sa labor market ng Japan.

Ginawa ng lider ng Kamara ang apela dahil sa pangako ng mga kumpanya at employer ng Hapon na mag-e-empleyo ng mas maraming Pilipino sa pakikipag-usap kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na kasalukuyang nasa limang araw na pagbisita sa Tokyo.

Ang mga tatanggapin ay kinabibilangan ng mga seafarers, mga propesyonal at mga non-skilled workers.

“I hope that the DMW can engage the recruitment industry and Japanese employers on how to make Japan a 100-percent no placement fee labor market,” ayon kay Romualdez.

Aniya, habang ang mga nagsasanay sa ilalim ng Technical Internship Training Program at ang mga tinukoy na skilled workers ay hindi kailangang magbayad ng placement fees, may mga Filipino na naghahanap ng trabaho na wala sa mga kategoryang ito na hinihiling na magbayad, tulad ng mga propesyonal at highly skilled workers.

Nagpahayag ang mambabatas ng kagalakan sa kung paano tinatrato ng mga Japanese employers ang kanilang mga empleyadong Pilipino.

“We are happy to hear directly from our OFWs in Japan on how much they are valued by their employers, and vice-versa,” aniya pa.

Apela pa nito sa mga manggagawa sa Japan at mga aplikante ng trabaho sa Maynila na mag-ulat ng abusado at naniningil sa DMW at sa pamamagitan ng mga Migrant Workers Offices sa Osaka at Tokyo.

“Congress will work with DMW in strengthening existing laws and regulations to enable the government to run after and punish those who collect illegal fees,” sabi pa nito.

Leave a comment