
Ni MJ SULLIVAN
Niyanig ng malakas na paglindol ang lalawigan ng Davao Occidental kahapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Sa datos ng Phivolcs, naitala ang magnitude 6 na lindol sa layong 234 kms timog-silangan ng Balut Island, bayan ng Saranggani ng nasabing lalawigan.
Ganap na alas-4:55 ng hapon nang maramdaman ang nasabing paglindol na naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng nasabing probinsya.
May lalim itong 083 at tectonic ang origin.
Naramdaman ang instrumental intensities sa lakas na intensity I sa T’Boli at Koronadal City, South Cotabato; Kiamba at Glan, Sarangani.
Ayon pa sa Phivolcs, ang malakas na lindol ay aftershock ng naitalang magnitude 7.0 noong Enero 18 sa dalampasigan ng Davao Occidental.
Wala namang inaasahang aftershock sa mga susunod na araw at wala ring naitalang nasaktan at nasirang mga gusali at establisimiyento.