Bagong tulay sa Maria Aurora, Aurora binuksan ng DPWH

Ni NERIO AGUAS

Binuksan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mas ligtas at mas mabilis na mobility para sa mga residente ng Maria Aurora sa lalawigan ng Aurora sa pamamagitan ng paggawa ng bagong tulay na nag-uugnay sa malalayong komunidad.

Sa ulat na tinanggap ni DPWH Secretary Manuel M. Bonoan, kay DPWH Regional Office 3 Director Roseller A. Tolentino, ang two-lane bridge ay natapos na ng DPWH Aurora District Engineering Office (DEO) na malaking tulong para sa mga residente ng Barangays Kadayakan at Bayanihan.

Kasama sa P173.7-million bridge project ang pagtatayo ng 150-lineal meter bridge na may 240-meter approach na mga kalsada sa magkabilang panig upang bigyan ang mga motorista ng maayos na paglipat sa pagitan ng bridge deck at ng roadway pavement.

Dagdag pa ni Bonoan, kasama rin sa proyekto ang isang flood control structure na may kabuuang haba na 1,083 lineal meters para pangalagaan ang integridad ng tulay laban sa mga geohazard.

Pinalitan ng pagbubukas ng bagong tulay ang ilang dekada na at pansamantalang single-lane na Kadayakan Bridge na nadadaanan lamang ng mga magaan at maliliit na sasakyan para sa kaligtasan.

Bago matapos ang tulay, kailangang mag-iba ng daan ang mga mabibigat at malalaking sasakyan sa Barangay Dimanpudso para lang makarating sa Barangay Kadayakan at Barangay Bayanihan.

At sa pamamagitan ng mas matibay na tulay na kayang tumanggap ng lahat ng uri ng sasakyan, ang ekonomiya ng Maria Aurora ay nakikitang makakaranas ng pagsulong sa pamamagitan ng pinahusay na transportasyon ng mga kalakal at ng mga tao.

Leave a comment