Masbate sunud-sunod na nilindol

NI JV SULLIVAN

Sunud-sunod na tinaman ng lindol ang ilang lugar sa lalawigan ng Masbate, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Naramdaman ang pinakamalakas na paglindol na naitala sa magnitude 6, dakong alas-2:10 ng madaling-araw sa layong 011 km timog kanluran ng Batuan, Masbate.

May lalim itong 010 km at tectonic ang origin.

Naramdaman ang intensity VII sa lungsod ng Masbate, Masbate; intensity V sa Dimasalang, San Fernando, at Uson, Masbate.

Intensity IV naman sa lungsod ng Legazpi, Albay; Aroroy, Cataingan, Esperanza, Milagros, at Pio V. Corpuz, Masbate; Irosin, at lungsod ng Sorsogon, Sorsogon habang intensity III naman sa Daraga, Albay.

Samantala, sa instrumental intensities, naitala ang intensity VI sa lungsod ng Masbate, Masbate; Intensity IV sa Bulusan, at lungsod ng Sorsogon, Sorsogon; lungsod ng Bogo, Cebu; intensity III sa lungsod ng Legazpi, at lungsod ng Tabaco, Albay; lungsod ng Iriga, Camarines Sur; lungsod ng Bago, Negros Occidental; Alangalang, Calubian, Isabel, Kananga, at Palo, Leyte; Ormoc City; Rosario, Northern Samar.

Intensity II sa Gumaca, Quezon; Daet, Camarines Norte; Ragay, Camarines Sur; Prieto Diaz, Sorsogon; Malinao, Aklan; Jamindan, at Tapaz, Capiz; Argao, Cebu; Can-Avid, Eastern Samar; Abuyog, at Dulag, Leyte; San Roque, Northern Samar; Intensity I sa Lopez, Mulanay, at Polillo, Quezon; Boac, Marinduque; Pandan, Antique; lungsod ng La Carlota, Negros Occidental; Saint Bernard, Southern Leyte

Nasundan pa ng mga aftershocks ang nasabing lindol na umabot ng mahigit sa 50 aftershocks na ang pinakamalakas ay nasa magnitude 4.2 na naitala dakong alas-2:54 ng madaling-araw.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s