2 Pinay naharang sa NAIA

NI NERIO AGUAS

Naharang ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang babaeng pinaghihinalaang biktima ng human trafficking.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco ang dalawang babae ay nasabat noong Pebrero 4 at Pebrero 5 matapos na makuhanan ng pekeng travel documents.

Itinago ang pagkakakilanlan ng mga pasahero, dahil sa isang probisyon sa anti-trafficking law na nagbabawal sa pampublikong pagsisiwalat ng mga pangalan ng mga biktima ng human trafficking.

Muling nagbabala ang BI sa mga miyembro ng sindikato ng human trafficking na itigil na ang kanilang masasamang gawain na bumibiktima sa mga mahihinang Pilipino na naengganyo sa kanila dahil sa kanilang kahirapan.

Ayon sa travel control at enforcement unit ng BI, ang mga pasaherong naharang noong Pebrero 4 ay dapat na sasakay ng Emirates flight papuntang Saudi Arabia ay napag-alamang nagsinungaling tungkol sa kanyang tunay na edad.

Pabagu-bago umano ang mga sagot ng biktima tungkol sa kanyang edad nang makapanayam at sa pag-verify ay nakumpirma na ito ay 24 taong gulang pa lamang, sa kabila ng kanyang mga dokumento na nagsasabing ito ay 29 taong gulang na.

Samantala, ang isa pang pasahero na naharang noong Pebrero 5 ay sasakay na sana ng Philippine Airlines flight papuntang Singapore at napag-alamang may hawak ng pekeng overseas employment certificate (OEC).

Nagpakita ang biktima ng kanyang mga dokumento sa trabaho, na kalaunan ay nakumpirmang peke. 

Inamin din nito sa panayam na ito ay kinuha ng isang fixer na nagproseso ng kanyang mga dokumento kapalit ng P85,000, para magtrabaho bilang isang household service worker.

Pawang nai-turnover ang dalawa sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) natutulong sa pagsasampa ng mga kaso laban sa kanilang mga recruiters.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s