One-strike policy vs non-performing tax collectors ng BIR at BOC irerekomenda ni Romualdez kay PBBM

Ni NOEL ABUEL

Irerekomenda ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang pagpapatupad ng one-strike policy laban sa mga kolektor ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BoC) na mabigong maabot ang kanilang target na kita.

Paliwanag ni Romualdez, makakatulong ito na matiyak ang karagdagang pondo para sa mga target subsidy, pagpapaospital, edukasyon, paglikha ng trabaho, at iba pang mga programa sa social protection para sa mga pinakamahinang sektor ng lipunan.

Sa paghahangad ng kaparehong layunin, sinabi ni Romualdez na ang Kamara ay gagalaw ang oversight function nito upang subaybayan ang pagganap ng iba’t ibang departamento at ahensya sa pagpapatupad ng mga patakaran at programa sa ilalim ng kani-kanilang mandato.

“I will recommend to President Marcos a one-strike policy against collectors who will miss their target revenues,” ani Romualdez.

“The one strike-strike policy is a key step towards achieving our revenue goals. Kailangan natin ang dagdag na pondo para sa mga ayuda, libreng pang-ospital, edukasyon, transportasyon, paglikha ng mga trabaho sa pamamagitan ng infrastructure projects at iba pang mga programa na makakatulong sa taong-bayan,” dagdag nito.

Binanggit nito na ang kawalan ng kakayahan ng mga kolektor na maabot ang kanilang mga target na kita ay nakompromiso ang badyet ng gobyerno para sa agrikultura, kalusugan, edukasyon, imprastraktura, at iba pang prayoridad.

Upang malutas ang sitwasyon, iminungkahi nito na ang mga kolektor na hindi makakatugon sa kanilang mga target na kita ay dapat na alisin sa kanilang posisyon at palitan ng mga nararapat na indibidwal upang matiyak ang kakayahan sa pangangasiwa ng pangongolekta ng buwis.

“Let us help the government meet its revenue targets. I hope our call will send a clear message for our collectors to perform at the highest level,” sabi pa ni Romualdez.

“Taxes are the lifeblood of government in the implementation of pro-poor programs designed to alleviate poverty and reduce inequality. It is of vital importance in the government’s effort to provide access to better education, healthcare, and social protection programs,” dagdag pa nito.

Sa panig ng Kongreso, sinabi ni Romualdez na ang maingat na paggamit ng oversight power ay lalong magsusulong ng transparency at pananagutan sa ilalim ng administrasyong Marcos.

“We will monitor and evaluate the performance of government agencies. The House of Representatives is committed to working with the government to ensure stable finances for the sustained and efficient implementation of various important projects,” ayon sa lider ng Kamara.

Sa partikular na tinukoy ni Romualdez na susuriin ng Kongreso ay kung paano ginagamit ng mga ahensya ng gobyerno ang ipinagkatiwala sa kanila para sa pagpapatupad ng mga programa na naaayon sa kani-kanilang mga responsibilidad.

“It is important to improve the absorptive capacity of all government agencies in the implementation of vital programs,” aniya pa.

Leave a comment