Crypto scam syndicate gumagamit ng Tiktok, Telegram para makapambiktima –BI

Ni NERIO AGUAS

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) na nagkalat ang mga cryptocurrency scam syndicates na gumagamit ng social media platform na Tiktok at Telegram na ang biktima ay pawang mga Filipino overseas workers (OFWs).

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, natuklasan ng ahensya ang modus matapos ang pagsisiyasat sa 8 repatriated overseas Filipino workers (OFWs) mula Cambodia.

Ang mga biktima na pawang nasa edad 20-anyos hanggang 30-anyos na binubuo ng anim na lalaki at dalawang babae na dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2, sakay ng Philippine Airlines flight mula Phnom Penh ngayong Pebrero 26.

Nailigtas umano ang mga ito sa kanilang kumpanya sa tulong ng Philippine Embassy at ni Senador Risa Hontiveros.

Lahat ng 8 pasahero ay tinulungan ng mga opisyal mula sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW) matapos sumailalim sa immigration clearance.

Ikinuwento ng mga biktima na sila ay na-recruit matapos makakita ng mga advertisement sa messaging at social media platforms na Telegram, Facebook, at Tiktok.

Tatlo sa mga biktima ay lumabas ng bansa sa pamamagitan ng Zamboanga, at hindi dumaan sa mga pormal na daungan. Tatlo ang umalis sa pamamagitan ng Clark, habang ang dalawa ay umalis sa pamamagitan ng NAIA.

Ibinahagi ni Tansingco na ang parehong immigration officer mula sa Clark na dati ay na-recall at iniimbestigahan para sa umano’y facilitation ay ang parehong opisyal na naglinis sa 3 biktima.

Samantala, ang tatlo na umalis sa Zamboanga ay naglakbay ng 7 araw para makarating sa kanilang destinasyon. Pagkatapos magmula sa Cebu patungong Zamboanga, naglakbay ang mgabito sa Jolo, Brunei, Jakarta, at Thailand bago makarating sa Cambodia.

Ang mga biktima ay pinangakuan ng suweldo na hanggang 1000 USD bawat buwan, at pinilit na magtrabaho ng 16-18 oras sa isang araw nang walang pahinga.

“The trafficking landscape is very different now. Professionals are being lured into seemingly good-paying opportunities, only to end up being trafficked in this crypto scam,” ayon pa kay Tansingco.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s