9 Vietnamese nationals inaresto sa illegal spa

Ang ilan sa nahuling Vietnamese nationals at mga nakumpiskang gamot at gamit sa luxury spa sa Makati at Manila.

Ni NERIO AGUAS

Dinakip ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang 9 na Vietnamese nationals sa magkahiwalay na operasyon sa Makati at Manila.

Sa ulat na ipinadala ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan Jr. kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang nasabing mga dayuhan ay inaresto dahil sa pagtatrabaho sa tatlong luxury spa nang walang kaukulang dokumento.

Sinabi ni Manahan na naaktuhan na nagtatrabaho sa spas at nagsasagawa ng aesthetic operations kahit walang license to operate sa bansa.

“We found many machines and medications in their clinics, and they were performing operations without medical licenses,” sabi ni Manahan.

Isinagawa ang operasyon sa tulong ng Philippine National Police (PNP) Southern Police District – Tactical Operation Center at ng PNP Manila Police District.

Nabatid na unang nadakip ang apat Vietnamese sa kahabaan ng Asuncion St., Valenzuela sa Makati City habang ang isa pa ay naaresto sa isang spa sa kahabaan ng Dr. JP Rizal Avenue.

Apat din ang nadakip sa isang spa sa kahabaan ng Cong. A. Francisco St., sa Malate kabilang ang sinasabing may-ari nito na si Pham Thi Hai Yen, 26-anyos.

Nag-ugat ang pag-aresto sa reklamo laban sa mga Vietnamese matapos maiulat na sinasaktan nila ang mga empleyadong Pilipino.

Sinabi ni Tansingco na 9 na dayuhan ay nahaharap sa deportation charges dahil sa pagiging undocumented at dahil sa paglabag sa mga kondisyon ng kanilang pananatili sa bansa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s