P.5M pabuya inalok ni Speaker Romualdez sa fraternity hazing suspect

OnlineBalita news

Photo courtesy from Cavite PPO

Ni NOEL ABUEL

Nag-alok ng P500,000 pabuya si Speaker Ferdinand Martin Romualdez para sa ikadarakip sa mga nasa likod ng pagpatay sa isang estudyante ng Adamson University sa fraternity hazing.

Sinabi ni Romualdez na ang pabuya ay upang himukin ang mga indibidwal na lumapit at makipag-ugnayan sa mga awtoridad upang matulungan ang pag-aresto at pag-usig sa mga suspek o mga may kaalaman sa likod ng pagkamatay ng biktimang si John Matthew Salilig, na inilibing sa isang open field sa Imus, Cavite.

Kinondena nito ang kakila-kilabot na pagpatay at idiniin na ang pagkawala ng buhay ay hindi katanggap-tanggap sa isang sibilisadong lipunan.

“Brothers do not kill brothers. Frat-related or
not, any crime that results to death deserves utmost condemnation,” giit pa ng lider ng Kamara.

Sinabi pa nito na nakatuon sa pagtatrabaho
ang Kamara kasama ang mga kinauukulang ahensyang nagpapatupad ng batas upang matiyak ang mas…

View original post 69 more words

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s