NLEX Corp. pinuri ng kongresista sa diamond interchange sa San Fernando-Mexico

Rep. Aurelio Gonzalez

Ni NOEL ABUEL

Nagpasalamat si Deputy Speaker at Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa pamunuan ng North Luzon Expressway Corp. sa plano nitong magtayo ng diamond-type interchange sa Mexico-San Fernando City section sa Pampanga.

Ginawa ng mga opisyal ng kumpanya ang anunsyo sa isang inter-agency consultative meeting na pinangunahan ni Gonzales sa Mababang Kapulungan ng Kongreso noong nakalipas na araw ng Lunes.

Sinabi ng NLEX Corp. na ang plano ay palawakin ang umiiral na Mexico exit/entry toll plaza, na matatagpuan sa silangang bahagi ng expressway, sa isang “full diamond interchange” na magkakaroon ng hiwalay na toll station sa San Fernando City o sa kanlurang bahagi.

Anila, isasama rin ang interchange sa Aquino byway extension na mag-uugnay sa bayan ng Mexico at San Fernando.

Malugod na tinanggap ng mambabatas ang plano ng operator ng NLEX, na sinasabing ang inaasahang proyekto ay makakatulong para masolusyunan ang masikip na daloy ng trapiko sa parehong silangan at kanlurang bahagi ng highway, lalo na sa bahagi ng lungsod ng San Fernando, kabilang ang lumang MacArthur Highway.

“It will hasten access to the expressway by thousands of motorists and cargo truck drivers coming from San Fernando, Angeles and Bacolor who currently are using the Mexico entry/exit,” ayon sa mambabatas.

“They would not have to cross the highway through a bridge to access the present toll plaza on the eastern side if a diamond interchange that includes a separate toll station on the San Fernando side were built,” dagdag pa ni Gonzales.

Inihayag din ng mga opisyal ng NLEX Corp. na sisimulan nila ang road widening sa susunod na taon na magdadagdag ng dalawang lane sa parehong northbound at southbound section ng expressway, mula San Fernando City hanggang sa bayan ng Mabalacat.

Idinagdag pa ng mga ito na ang pagpapalawak ay makakaapekto sa tulay na tumatawid sa highway, kabilang ang lima sa lugar ng Mexico-San Fernando.

Nag-alok si Gonzales na ilipat at pagbutihin ang limang tulay sa kanyang distrito, gamit ang kanyang priority development assistance fund (PDAF) allocation, para mapabilis ang pagpapalawak ng expressway.

Gayunman, mayroon aniyang tatlong tulay na bahagi ng NLEX na hindi na madadaanan dahil sa siltation dulot ng pagbaha at pagputok ng Mt.Pinatubo noong 1991.

“These will have to be rehabilitated by NLEX Corp. so they would become passable again to motorists and residents of Mexico and San Fernando,” ayon pa sa kongresista.

Leave a comment