Ang mga scalawag na pulis-Pasay na sina Lex, Soc at Wal!

ALAM ko hindi ito mamasamain ng tatlong magigiting na opisyal na sina bagong National Capital Region Police Office ( NCRPO) chief Maj. Gen Edgar Allan Okubo, Southern Police District (SPD) chief Brig. Gen Kirby Kraft at si Pasay City Police Station Commander Col. Froilan Uy!

Tungkol kasi ito sa tatlong iskalawag na pulis-Pasay na itago natin sa mga alyas Lex, Soc at Wal.

Si Lex ay isang antigong pulis na batbat ng intriga sa katawan. Kilala raw kasi itong protektor ng mga tulak sa Baclaran.

Bukod sa mga tulak ng ipinagbabawal na gamot, si Lex din ang sinasabing nangongolekta ng tara para sa mga ilegal vendors sa Baclaran.

Siya ang ipinagmamalaki ng mga ilegal vendors na walang sinumang makakapagtaboy sa kanila dahil araw-araw ay nagbibigay sila ng tara kay veteran policeman Lex!

Ito namang mag-sparing partner na sina Soc at Wal ay pareho nang sarhento.

Tulad ni Lex, sa tagal na sa serbisyo ng dalawang kasmot, halos sa ilegal na rin sila tinubuan ng tahid!

Diumano, kapwa protektor ng ilegal na droga sa Bgy. Sto. Nino sa Pasay City ang dalawang ito.

Ang kanilang modus ay huhulihin ang mga drug pusher na ayaw magbigay sa kanila ng timbre.

Kapag hindi nagbibigay, aarestuhin sila, ikukulong at kukumpiskahin saka ire-recycle ang mga nakulimbat na droga.

Tulad ni Lex, patong din sa ilegal vendors ang dalawang kumag. Madalas, ma-late lang magbigay ng tara ay itataob ng mga ito ang paninda ng mga pobreng vendors sa Pasay.

Pati ilegal terminal ay hawak ng mga loko-lokong ito at pati E-trike na namamasada ay kanilang tinatarahan.

Ang tawag sa mga gawaing ganyan ay mga walang hiyang alagad ng batas.

Ang kanilang tara ay nagkakahalaga ng P200 kada tsuper at partikular na pwesto na kanilang kinokotongan ay sa LRT-Pasay Taft Avenue ng lungsod!

Nakakatuwa, di ba Pasay City Mayor Emy Calixto-Rubiano?

Sa pagkakaalam ko, mahigpit ang tagubilin ni DILG Sec. Benhur Abalos kay PNP chief Jun Azurin para linisin ang hanay ng kapulisan.

Kaya nga sa unang paragraph pa lang ng artikulo natin ay binanggit ko agad ang pangalan nina Maj. Gen Okubo, Brig Gen Kraft at Col Uy dahil sila ang unang dapat umaaksiyon sa mga ganitong uri ng sumbong.

Pwede namang ipa-double check ang mga impormasyong ganito at lalong pwede ring ipatapon agad sa Mindanao ang tatlong kumag!

Umaasa tayo sa positibong tugon ng mga magigiting na opisyal!


Anumang reaksyon o suhestiyon at sumbong, tumawag o mag-text sa cell phone no. 0915-7412674.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s