DUMPER PTDA tutulong sa driver/operators ng PUJ sa consolidation process — Rep. Bautista-Lim

Rep. Claudine Bautista-Lim

Ni NOEL ABUEL

Nangakong tutulong at magkakaloob ng programa ang DUMPER PTDA sa mga drivers at operators para tulungan sa pagbuo o pagsali sa mga kooperatiba o transport corporations bago ang itinakdang bagong deadline sa Disyembre ng Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

Ayon kay Drivers United for Mass Progress and Equal Rights-Philippine Taxi Drivers Association (DUMPER PTDA) party list Rep. Claudine Diana Bautista-Lim, sa pakikipagdayalogo nito sa Department of Transportation (DOTR), maglalagay ito ng one-stop shop para matulungan ang mga driver at operators sa consolidation process.

“Initial discussions with DOTR were to set up one-stop-shops or conduct assistance caravans to streamline the consolidation process,” pahayag pa ng mambabatas.

Nagpasalamat ang isang kongresista kay Transportation Secretary Jaime Bautista sa pahayag nitong walang magaganap na pag-phase out ng mga tradisyunal na jeepneys sa Hunyo 30.

“No less than Transportation Secretary Jaime Bautista clarified that consolidation does not mean the end of the line for traditional jeepneys. The deadline set is for operators and drivers to either form or join cooperatives or incorporate themselves into collective juridical entities,” ayon sa mambabatas.

Sinabi ni Bautista-Lim, vice chairperson ng House Committee on Transportation, na mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagsabing dapat na maisaayos muna ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP).

“We in government are sensitive to the plight of the transport sector. We are after the welfare not only of operators and drivers of PUVs but the riding public as well. Contrary to misinformation, ‘consolidation’ does not equate to phasing out traditional jeepneys,” aniya pa.

Matagal bago pinalawig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang “consolidation” ng mga tradisyunal na jeepney hanggang Disyembre 31, 2023, ang DUMPER PTDA ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa Department of Transportation (DOTR) at iba’t ibang transport groups upang igiit ang naturang pagpapalawig.

Sa katunayan aniya, limang beses nang nagtrabaho ang DUMPER PTDA para sa pagpapalawig ng deadline ng konsolidasyon mula noong 2020.

At ngayong na-extend ang deadline hanggang sa katapusan ng 2023, sinabi ng kongresista na wala nang mabigat na dahilan para sa ilang transport group na magsagawa ng “week-long transport strike” sa susunod na linggo.

Binigyan-diin nitobna ang DUMPER PTDA ay nakipag-usap na sa hindi mabilang na mga jeepney at PUV operators at mga driver na ibinahagi ang kanilang mga damdamin laban sa nalalapit na transport strike.

“Majority of PUV operators and drivers will not join the transport strike. Upon talking to some jeepney and UV groups, they expressed that ‘gusto lang po naming makabiyahe ng maayos para may pagkain kami. Ayaw naming sumali sa strike,” giit ni Bautista-Lim.

Advertisement

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s